1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Canada ‘targeted’ ang magiging approach sa pagbabakuna laban sa monkeypox

Isang libong vaccine doses ang ipinadala sa Quebec, na may 25 mula sa 26 na kumpirmadong kaso sa Canada

Howard Njoo nagsasalita sa isang press conference nasa likod niya ang mga watawat ng Canada.

Dr. Howard Njoo, ang deputy public health officer ng Canada (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Ang federal health officials ay estratehikong ipoposisyon ang pagbabakuna para sa monkeypox sa buong Canada bilang tugon sa lumalaking bilang ng mga kaso, sinabi ng deputy chief public health officer noong Huwebes.

Sinabi ni Dr. Howard Njoo sa isang news conference na mayroong 26 na kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Canada — 25 sa Quebec at isa sa Ontario.

Ang virus ay maaaring maging sanhi ng rash, pagkapagod, pananakit ng kalamnan, lagnat at sakit ng ulo. Kalimitan itong kumakalat sa pamamagitan ng close contact sa isang infected na tao — lalo na sa palitan ng bodily fluids — ngunit maaari rin kumalat sa pamamagitan ng hangin o surfaces.

Sinabi ni Njoo na habang ang panganib ng impeksyon para sa kabuuang populasyon ay mababa, mahigpit na binabantayan ng mga opisyal ng kalusugan ang virus at nais maipadala nang mabilis ang mga bakuna bilang tugon sa outbreaks.

Nagpadala na ang Public Health Agency of Canada (PHAC) ng 1,000 doses ng IMVAMUNE vaccine sa Quebec, gayundin ng supply ng antiviral drug na Tecovirimat, na kilala rin bilang TPOXX.

Hindi sinabi ni Njoo kung ilang vaccine doses ang ipapadala sa ibang mga probinsya. Sinabi niya na ang Public Health Agency of Canada ay nakikipagtulungan sa mga probinsya at teritoryo para madetermina ang kanilang mga pangangailangan.

Sinabi rin ni Njoo na hindi nakikita ng Public Health Agency of Canada na kailangan ng mass vaccination campaign sa ngayon.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

PANOORIN | Gobyerno walang plano na maglunsad ng monkeypox vaccine campaign sa ngayon:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita