1. Home
  2. Agham
  3. Climatology

Ano ang derecho at bakit ito mapanira? Ang siyensya sa likod ng malakas na bagyo

Ang pinakahuling derecho ay naganap noong 1999, ngunit binabago ang mga kondisyon ng climate change

Sira-sirang bahay.

Ang residente na si Allen Harrison ng Uxbridge, Ont., ay naglilinis ng kanyang property noong Martes, matapos dumaan ang isang buhawi na sanhi ng derecho (archives).

Litrato:  (Evan Mitsui/CBC)

RCI

Nang pinag-aralan ni Canadian tornado expert David Sills ang taya ng panahon noong Sabado ng umaga, hindi niya inaasahan na ang linya ng mga bagyo na patungo sa Windsor, Ont., ay lalakas at magiging unang derecho ng Canada sa loob ng maraming dekada, na naghasik ng pinsala sa buong timog Ontario at Quebec.

Si Sills, ang executive director ng Northern Tornadoes Project sa Western University, ay nasa labas at gumagawa sa bakuran ng kanyang bahay sa London, Ont. nang marinig niya ang ugong sa malayo; hindi siya makapaniwala na ang linya ng mga bagyo ay aktibo pa rin.

Bumalik siya sa loob ng kanyang bahay para pag-aralan ang taya ng panahon, at iyon ang oras na dumating ang bagyo sa kanyang pintuan. Bigla na lang tumama at para itong isang bagyo, sabi ni Sills.

Ang derecho, binibigkas na deh-RAY-cho, ay isang mabilis kumilos, mahaba ang buhay na thunderstorm na nagdudulot ng malawakang pinsala sanhi ng hangin.

Hindi tulad ng umiikot na hangin sa isang bagyo o buhawi, ang hangin ng derecho ay tuwid.

Hindi ibig sabihin na ang derecho ay hindi gaanong nakakapinsala; ang hangin nito ay kayang magpatumba ng mga puno at angatin ang mga bubong.

Ang isa pang katangian ng isang derecho ay 'di tulad ng isang mabagal na pagbubuo ng supercell thunderstorm, ang business end ng isang derecho ay nasa unahan. Kaya nang masaksihan natin ang isang derecho, ani Stills, kalimitan mukha itong isang nakakatakot na pader ng hangin at ulan.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Kaugnay na mga ulat:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita