1. Home
  2. Lipunan
  3. Katutubo

Pagtutuos tungo pagkakasundo 1 taon matapos ang Kamloops residential school discovery

PAALALA: Ang istorya na ito ay may nakakabagabag na mga detalye

Nakipag-usap si Justin Trudeau sa isang matandang babae.

Dumating si Prime Minister Justin Trudeau sa lugar na nakalaan para sa Tk'emlups te Secwépemc First Nation powwow at tradisyonal na mga seremonya (archives).

Litrato: Radio-Canada / Jenifer Norwell

RCI

Mataas ang mga emosyon sa anniversary ceremony na binigyang parangal ang pagkakadiskubre ng potensyal na unmarked graves malapit sa dating residential school sa Kamloops, B.C.

Ang residential schools sa Canada ay mga paaralan na pinondohan ng gobyerno at pinatakbo ng simbahan para turuan ang mga katutubong First Nations, Métis at Inuit na mga bata na maging bahagi ng lipunan ng Canada.

Ang First Nations, Métis at Inuit ang mga katutubong tao sa Canada na may sariling wika, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay.

Ang mga paaralan na ito ay nag-operate sa Canada sa loob ng mahigit 160 na taon simula 1883. Mahigit 150,000 na mga bata ang ipinadala para mag-aral dito. Ang karamihan ay hindi na nakabalik sa kanilang tahanan.

Nangako ang mga opsiyal ng mas maraming hakbang tungo sa rekonsilyasyon, bagama’t ang ilang dumalo ay nagpahayag ng galit kay Prime Minister Justin Trudeau.

Panoorin ang ulat ng The National sa bidyo na ito:

Kaugnay na ulat:

Isang bidyo ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita