1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Bakit mas malala pa sa ice storm o sa buhawi noong 2018 ang dumaang bagyo sa Ottawa

Bawat ‘pulgada ng aming teritoryo na pinagsisilbihan’ ay naapektuhan, sabi ng Hydro Ottawa CEO

Bumagsak na Hydro One transmission tower.

Ibinahagi ng Hydro Ottawa ang litrato na ito sa social media na nagpapakita ng bumagsak na Hydro One transmission tower malapit sa Hunt Club Road exit sa Highway 417.

Litrato: Twitter/Hydro Ottawa (capture d'écran)

RCI

Apat na malaking steel transmission towers na bumagsak malapit sa Ottawa ang nagpapakita kung gaano ka-challenging ang sitwasyon na kinakaharap ng mga crew pagkatapos ng bagyo noong Sabado, habang sinusubukan nilang ibalik ang kuryente sa libo-libong mga residente.

Ang mga Hydro One tower, o ang natira pa rito, ay tumatayong pruweba kung gaano kabagsik ang hangin na nanalasa sa rehiyon — at kung gaano kahina ang power grid ng lungsod.

Ito ay ebidensya ng isang weather event na sinasabi ni Bryce Conrad, CEO ng Hydro Ottawa, na mas malala pa kaysa sa ice storm noong 1998 at mga buhawi na dumaan sa lugar noong 2018.

Ang mga [tower] na iyon ay ginawa para kayanin ang ice loading at malakas na hangin, at bumagsak ito na parang laruan lang ng bata, aniya.

PANOORIN | Mga crew nagtrabaho para ibalik ang kuryente ng libo-libong tao sa Ontario:

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita