1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Libo-libo ang wala pa rin kuryente matapos tumama ang bagyo sa Ontario at Quebec

8 tao ang namatay; nagbabala ang hydro providers na aabutin ng ilang araw bago bumalik ang kuryente

Sinusuri ng mga bumbero at mga utility worker ang pinsala matapos tumama ang isang bagyo sa Ottawa.

Nagtatrabaho ang mga bumbero at utility worker sa mga natumbang linya ng kuryente, poste at ilaw trapiko sa kalsada at sa mga motorista sa panahon ng isang malaking bagyo, sa Merivale Road, Ottawa (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

RCI

Libo-libong tao sa Ontario at Quebec ang nananatili na walang kuryente kasunod ng mga bagyo na tumama noong weekend sa mga naturang probinsya.

Ngayong Lunes ng umaga, sinabi ng Hydro One na mahigit 226,000 na mga kostumer sa Ontario ang wala pa rin kuryente.

Nagbabala ang utility company sa mga kostumer na maaaring abutin ng ilang araw bago nila maibalik ang kuryente. Sa pagitan ng mga puno, sanga, nasirang poste at mga linya na natumba, talagang napakahirap ng cleanup, sinabi ni Hydro One spokesperson Tiziana Baccega Rosa.

Namatay ang walong katao dahil sa mas marahas na mga thunderstorm, karamihan ay dahil sa natumbang mga puno.

Basahin ang buong istorya tungkol sa mga pangyayari matapos ang bagyo (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita