- Home
- Lipunan
- Katutubo
Museo sa U.K. ibinalik ang sagradong regalia at artifacts sa Alberta First Nation

Ang mga miyembro ng Blackfoot o Siksika Nation sa Alberta ay pumunta sa museo ng Devon, England, noong Huwebes upang muling kunin ang artifacts at iba pang bagay na pagmamay-ari ni legendary Chief Crowfoot.
Litrato: CBC / Chris Brown
Matapos makipaglaban upang maisauli, nakuha na ng isang Alberta First Nation ang sagradong regalia at artifacts na pagmamay-ari ni Chief Crowfoot ng Blackfoot o Siksika Nation.
Ito ay nasa isang museo sa Devon, England sa United Kingdom kung saan naka-display ang mga artifact sa loob ng mahigit isang siglo.
Si Issapomahksika, o Chief Crowfoot, ay namatay noong 1890, at itinuturing ng kanyang mga tao bilang isang makapangyarihang mandirigma, impluwensyal na diplomat at statesman na ang impluwensya ay lumampas sa timog Alberta at naramdaman sa buong kontinente.

Ang stag shirt, top center, ay isa sa 12 personal effects na ibinigay ni Chief Crowfoot kay Sir Cecil Denny (archives).
Litrato: Royal Albert Memorial Museum
Ang isa sa kanyang mga legasiya ay ang Treaty 7, na pinirmahan sa pagitan ng Blackfoot at ng Crown.
Ang First Nations, Métis at Inuit ang mga katutubong tao sa Canada na may sariling wika, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
Panoorin ang ulat ng The National sa bidyong ito:
Isang video ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.