1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Bakit ang mataas na presyo ng langis ay hindi lumilikha ng economic boom sa Canada

Itinutulak ng mataas na presyo ng gasolina ang maraming Canadians sa kanilang financial limits

Isang motorista na nagpapa-gas.

Isang motorista ang naglalagay ng gas sa kanyang sasakyan sa Vancouver (archives).

Litrato: CBC/Ben Nelms

RCI

Karaniwan kapag ito ay nangyari, ang sakit sa bulsa sa gasolinahan ay napapalitan ng isang burst ng paglago ng ekonomiya ng Canada. Ang mataas na presyo ng langis ay nangangahulugan dati ng surge sa investments at hiring.

Ngunit hindi ito nangyari ngayon.

Kapag tumataas ang presyo ng langis, ang Canadians ay nakakakuha ng kaunting relief sa gasolinahan bilang resulta ng mas mataas na Canadian dollar, ani chief economist Avery Shenfeld ng Canadian Imperial Bank of Commerce.

Sa kasong ito ang Canadian dollar ay hindi sumusunod sa presyo ng langis, katunayan kumikilos ito sa taliwas na direksyon sa ngayon at iyon ang nakakadagdag ng sakit na nararamdaman ng bawat tahanan.

Sa pangkalahatan, ang loonie ($1) ay tumataas dahil inaasahan na ang oil sector ng Canada ay napipinto na mag-spending spree, ngunit sa pagkakataon na ito ang sektor ay medyo nag-iingat sa kabila ng record profits.

Ang huling beses na tumaas ang pandaigdig na presyo ng langis nang ganito kataas, simula 2008, nagkaroon ng surge sa mga investment at nagkaroon ng hiring boom. Sinabi ni commodity expert Rory Johnston na ang ilang taon ng mababang presyo at mababang kita ay ginawang atubili ang mga kompanya na kumilos ng mas mabilis sa panahong ito.

Maraming scarring ang naganap sa nakalipas na dekada, ani Johnston, may-akda ng newsletter na Commodity Context at managing director ng Price Street Inc.

Ang mas mataas na presyo ng langis ay isang net positive pa rin para sa ekonomiya ng Canada, ani Shenfeld ng Canadian Imperial Bank of Commerce, ngunit kakaiba ang mga bagay ngayon.

Kapag ito ay sanhi ng disruptions sa pandaigdig na ekonomiya hindi ito kasing powerful ng kapag ito ay sanhi ng lakas sa ekonomikong aktibidad sa buong mundo, aniya.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita