1. Home
  2. Politika
  3. Telekomunikasyon

Ipinagbawal ng Canada ang Chinese tech giant na Huawei mula sa 5G network

Maraming implikasyon ang desisyon para sa nasyonal na seguridad at diplomasya

Logo ng Huawei sa smartphone.

Lahat ng 'Five Eyes' intelligence-sharing allies ng Canada ay ipinagbawal ang Chinese telecommunications company na Huawei mula sa kanilang 5G networks (archives).

Litrato:  (Dado Ruvic/Reuters)

RCI

Ipinagbawal ng pederal na gobyerno ang Huawei mula sa pag-a-access sa fifth-generation networks ng Canada dahil sa mga alalahanin tungkol sa seguridad — isang desisyon na sinabi ng mga kritiko na matagal na dapat ginawa.

Ang pagkilos ng Canada ay inihanay ang bansa sa mga pangunahing intelligence allies nito tulad ng Estados Unidos, na nagpahayag ng concern tungkol sa implikasyon ng pagbibigay sa Chinese tech giant ng access sa mahalagang imprastratura sa nasyonal na seguridad.

Ipinagbawal din ng gobyerno ang ZTE, isa pang Chinese state-backed telecommunications firm. Isang government policy statement ang ipinost online (bagong window) na nagsasabi na ang mga kompanya sa Canada ay mayroon na lang hanggang Hunyo 28, 2024 para alisin o i-terminate ang 5G equipment mula sa Huawei at ZTE.

Kailangan din nilang alisin o i-terminate ang anumang existing na 4G equipment na ibinigay ng Huawei at ZTE bago sumapit ang Disyembre 31, 2027. Nakasaad din sa policy statement na inaasahan ng gobyerno na ang mga kompanya sa Canada ay titigil sa pagbili ng bagong 4G o 5G equipment mula sa Huawei at ZTE bago sumapit ang Setyembre ngayong taon.

Ito ang tamang desisyon at tayo ay nagagalak na ianunsyo ito ngayong araw dahil ise-secure nito ang ating network para sa mga darating na henerasyon, sinabi ni Innovation, Science and Industry Minister François-Philippe Champagne sa isang news conference noong Huwebes.

PANOORIN | Canada ipinagbawal ang Huawei mula sa pag-access ng 5G network:

Nang sumagot sa tanong tungkol sa panganib ng paghihiganti mula sa gobyerno ng Tsina, hindi ipinahiwatig ni Champagne kung naging factor ito sa desisyon ng gobyerno.

Nililinaw ko, ito ay tungkol sa Canada, ito ay tungkol sa ating nasyonal na seguridad, ito ay tungkol sa ating telecom infrastructure, aniya.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo nina Catharine Tunney (bagong window), Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita