1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Media

Ipinasara ng Russia ang Moscow bureau ng CBC/Radio-Canada sa isang retaliatory move

Ang harap ng Kotelnicheskaya Embankment Building.

Ang bureau ng CBC/Radio-Canada sa Moscow, na kinuha noong Marso 2020, na nasa loob ng makasaysayang Kotelnicheskaya Embankment Building.

Litrato:  CBC

RCI

Sa isang retaliatory move sinabi ng Russia na isa-shut down nito ang Moscow bureau ng CBC/Radio-Canada at kakanselahin ang mga visa at accreditation ng staff.

Sumunod ito sa desisyon ng Canada na i-ban ang Kremlin-controlled na Russia Today o RT mula sa Canadian airwaves.

Ang tugon ng CBC News editor in chief sa pagsasara ng Moscow bureau

Sinabi ni CBC News editor in chief Brodie Fenlon na ang desisyon ng Russia na isara ang Moscow bureau at kanselahin ang mga visa at press credentials ng mga mamamahayag nito ay isang ‘malungkot na araw’ para sa kalayaan sa pamamahayag.

Trudeau sinabi na ang closure ay 'unfortunate ngunit hindi nakakagulat'

Nagbigay ng reaksyon si Prime Minister Justin Trudeau sa naging desisyon ng Russia.

Heritage minister nag-react din sa balita

Sinabi naman ni Heritage Minister Pablo Rodriguez na siya ay nagpapasalamat sa Canadian journalists para sa kanilang masipag na pagtatrabaho at sinabi na si Russian President Vladimir Putin ay ginawa ang aksyon na ito upang itago ang 'kakila-kilabot na realidad na nagaganap sa Ukraine.'

Mga video ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita