1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Alberta Premier Jason Kenney nagbitiw bilang United Conservative Party leader

Jason Kenney nagsasalita sa harap ng mikropono.

Nagbitiw si Jason Kenney noong Miyerkules matapos manalo sa leadership review na may makitid na mayorya (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Dave Chidley

RCI

Inanunsyo ni Alberta Premier Jason Kenney ang kanyang resignation bilang United Conservative Party leader noong Miyerkules matapos makatanggap ng 51.4% approval ukol sa kanyang lideratura mula sa mga miyembro ng United Conservative Party o UCP.

Ang resulta ay hindi kung ano ang inaasahan ko o frankly hindi ang ine-expect ko, ani Kenney sa pagtitipon ng kanyang mga tagasuporta at volunteers sa Calgary matapos ianunsyo ang resulta ng leadership review.

Habang ang 51 porsyento ng mga boto ay nakapasa sa constitutional threshold ng isang majority, malinaw na hindi ito sapat para magpatuloy bilang isang lider.

PANOORIN | Alberta Premier Jason Kenney nag-resign bilang UCP lider:

Ipinahiwatig ni Kenney dati na tatanggapin niya ang resulta na 50% plus one.

Ang mga miyembro ng partido ay hiniling na sumagot ng oo o hindi sa tanong na Sang-ayon ka ba sa kasalukuyang pinuno? Sa 34,298 party members na nagpadala ng kanilang mga balota bago ang Mayo 11 na deadline, 17,638 ang sumagot ng oo at 16,660 ang nagsabi ng hindi.

Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Kenney na inabisuhan niya ang presidente ng partido na si Cynthia Moore sa kanyang intensyon na bumaba sa puwesto at hiniling na mag-iskedyul ang partido ng isang leadership election sa lalong madaling panahon.

Si Kenney ay mananatiling lider ng partido hanggang makapili ng isang interim leader. Hindi pa alam kung intensyon niya na magpatuloy bilang Member of the Legislative Assembly para sa Calgary-Lougheed.

Isa itong magandang gabi para sa Alberta, ani Rob Smith, presidente ng Olds-Didsbury-Three Hills United Conservative Party constituency association.

Si Smith ay kritiko ng liderato ni Kenney at kung paano pinangasiwaan ng United Conservative Party board ang mga panawagan para sa isang review. Sinabi niya na ang turning point para sa kanya ay ang virtual meeting sa pagitan ni Kenney at ng Olds-Didsbury-Three Hills constituency association noong Marso 2021. Sinabi ni Smith na si Kenney ay naging defensive nang siya ay pagsabihan na kailangan niyang maglaan ng mas maraming oras sa pakikipag-usap sa party grassroots.

Kasunod ng leadership vote, ipinahayag ni Smith ang kanyang pagkasorpresa sa pagbaba ni Kenney sa puwesto ngunit sinabi na tama ang kanyang ginawa. Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita