1. Home
  2. Pandaigdig

Black Canadians nag-react sa Buffalo mass shooting

Nagtitipon ang mga tao sa labas ng grocery store kung saan naganap ang isang pamamaril.

Nagtitipon ang mga tao sa labas ng isang grocery store sa siyudad ng Buffalo sa New York, U.S. kung saan naganap ang pamamaril noong Sabado ng hapon.

Litrato: Associated Press / Derek Gee

RCI

Tatlong Black Canadians ang nagbahagi ng kanilang reaksyon sa Buffalo mass shooting na naganap sa New York sa Estados Unidos.

Sinasabi ng mga pulis na ang insidente ay racially motivated.

Mga kamag-anak ng biktima ng pamamaril.

Mga miyembro ng pamilya ni Ruth Whitfield, 86, napatay sa pamamaril sa tindahan ng Tops.

Litrato: Getty Images / Scott Olson

Dapat daw magbago ang mga usapin tungkol sa rasismo para mas maprotektahan ang mga komunidad.

Panoorin ang ulat ng The National:

Biden kinondena ang pag-atake, nakiramay sa pamilya ng mga biktima

Samantala, binisita ni United States President Joe Biden ang Buffalo, New York noong Martes para makiramay sa mga kamag-anak ng mga biktima ng mass shooting.

Tinawag niya ang pag-atake na isang ‘domestic terrorism’ at hinikayat ang mga Amerikano na i-reject ang white supremacy.

Isang video ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita