1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Media

Russia isasara ang Moscow bureau ng CBC/Radio-Canada bilang ganti

Sinabi ng Russian foreign ministry na kakanselahin nito ang mga visa ng mga mamamahayag

Close-up shot ni Vladimir Putin.

Russian President Vladimir Putin (archives)

Litrato: Associated Press / Mikhail Klimentyev

RCI

Sinabi ng foreign ministry ng Russia ngayong Miyerkules na isasara nito ang bureau ng CBC/Radio-Canada sa Moscow at iwi-withdraw ang mga visa at accreditation ng mga mamamahayag ng public broadcaster matapos i-ban ng Canada ang Russian state TV station na Russia Today (bagong window).

Malungkot namin na patuloy na napapansin ang bukas na pag-atake sa Russian media mula sa mga bansa ng tinatawag na collective West na tinatawag ang kanilang mga sarili na sibilisado, sinabi ni Russian foreign ministry spokesperson Maria Zakharova sa mga reporter.

Isang desisyon ang ginawa para maghiganti, binibigyang-diin ko ang paghihiganti, mga hakbang para gantihan ang mga aksyon ng Canada: ang pagsasara ng Moscow bureau ng Canadian Broadcasting Corporation, kasama ang annulation ng accreditations at visas ng mga mamamahayag.

Ang Canadian Broadcasting Corporation o CBC/Radio-Canada ang pampublikong brodkaster ng Canada.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ni Guy Faulconbridge (bagong window), Thomson Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita