- Home
- Politika
- Mga Probinsiyal na Eleksyon
Ihambing ang mga plataporma ng mga partido sa Ontario para sa iyong sarili dito
Ano'ng ipinapangako ng mga partido sa Filipino Ontarians? Narito ang kanilang mga plataporma sa isang tingin
Ang mga leader ng mga partido sa Ontario sa kanilang unang televised debate noong Mayo 10 sa northern Ontario (archives).
Litrato: La Presse canadienne / Gino Donato
Nais mo bang ikumpara ang mga pangako at proposal ng mga pangunahing politikal na partido sa Ontario? Huwag ka nang tumingin sa iba.
Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga link sa mga dokumento na inilabas ng bawat partido bago ang eleksyon sa Hunyo 2. May mga link din sa news coverage ng CBC News ukol sa mga plataporma, kung nais mo ng mas malalim na konteksto.
Progressive Conservatives

Ontario Progressive Conservative Leader Doug Ford (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Frank Gunn
Ang Progressive Conservatives ni Doug Ford ay nangangampanya sa ilalim ng slogan na Let's get it done.
Ano ang ibig sabihin nito?
Karamihan sa mga pangako ng partido ay nasa pre-election budget ng
PCs na inilabas noong Abril 28, tampok ang $198.6 bilyon na spending, karamihan dito ay nakalaan para sa pagtatayo ng mga highway, ospital at iba pang imprastraktura.Basahin ang mas maraming impormasyon sa spending plan ni Ford dito (bagong window) o tingnan ang budget dito (bagong window).
New Democratic Party
Ontario New Democratic Party Leader Andrea Horwath (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Frank Gunn
Mabilis na inilabas ng Ontario
NDP ang kanilang plataporma, kasama ang malalaking pangako ng pharmacare at dental care programs at nakapokus na gawing mas abot-kaya ang pamumuhay.Ang campaign slogan ni Leader Andrea Horwath: Strong. Ready. Working for you.
Narito ang New Democrat platform (bagong window), ang costing ay inilabas ng partido noong Linggo (bagong window).
Liberal
Ontario Liberal Leader Steven Del Duca (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Gino Donato
Inilagay ni Steven Del Duca ang housing sa front and centre ng kanilang plataporma, nangako ng iba’t-ibang solusyon na nakasentro sa affordability crisis na hinaharap ng Ontarians.
Kasama sa mga pangako na ito ang isang single rent control system gayundin ang mas mahigpit na parusa para sa mga taong ginagawang bakante ang kanilang mga tahanan sa urban areas.
Tinatawag ng mga Liberal ang kanilang costed platform na A place to grow.
Maaari mong basahin ang iba pang detalye rito (bagong window) o i-review ito rito (bagong window).
Green Party of Ontario
Ontario Green Party Leader Mike Schreiner (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Frank Gunn
Nag-aalok ang Green Party of Ontario ng pinaka-divergent na plataporma mula sa kanilang mga kalaban sa politika.
Ang costed plan ni Leader Mike Schreiner ay nakapokus sa climate change kasama ang $65 bilyon na pondo para sa pagta-transition ng probinsya sa bagong climate economy.
Narito ang Green plan (bagong window) at ang kumpletong bersyon dito (bagong window).
Iniisip mo ba kung pareho ang iyong politikal na pananaw sa bawat Ontario political party? Itsek ang Vote Compass (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.