- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Paano maaapektuhan ng pagkapanalo ni BBM ang paghahanap sa perang ninakaw sa Pilipinas
Si Ferdinand Marcos Jr. o BBM (Bongbong Marcos) ay nakatakda na maging susunod na presidente ng Pilipinas

Ang mga supporter ni Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ay nag-flash ng victory sign habang nagdidiwang sa Mandaluyong noong Martes Mayo 10, 2022.
Litrato: AP / Aaron Favila
Ang kanyang ama, si Ferdinand Marcos Sr., ay namuno sa bansa sa loob ng 21 taon — isang panahon na minarkahan ng mga paglabag sa karapatang pantao, pandaraya sa halalan at korapsyon.
Si Marcos Sr. na pinaniniwalaan na nagnakaw sa pagitan ng $5 bilyon at $10 bilyon na pera ng publiko.
Ang mga gawain para marekober ang pera na iyon ay nagpapatuloy at ang komisyon na responsable para rito ay nag-uulat sa presidente ng bansa.
Si Ruben Carranza ay isang abogado na dating namumuno sa litigasyon at imbestigasyon kasama ang Presidential Commission on Good Government.
Sinasabi niya na ang pagkahalal ni
BBM ay isang banta sa mga gawain para marekober ang pera na ninakaw ng kanyang ama.Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. (archives)
Litrato: Reuters / ELOISA LOPEZ
Kaugnay na mga ulat
- [Ulat] Koalisyon na nagbantay sa halalan iprinotesta ang resulta ng bilangan sa Toronto
- [Ulat] 1 sa bawat 2 botante sa konsulado ng Pilipinas sa Vancouver bumoto
- Tinorture ng rehimeng Marcos, pinanood niya ang pagbawi ng pamilya sa kapangyarinan
Isang artikulo ng Day 6 na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.