- Home
- Politika
- Pangprobinsiyang Politika
Lider ng mga partido sa Ontario magtatapat sa huling debate bago ang eleksyon
Pinuno ng mga partido magdedebate tungkol sa mga pangunahing isyu ng eleksyon sa loob ng 90 minuto sa Toronto

Mula kaliwa papuntang kanan: Progressive Conservative Leader Doug Ford; NDP Leader Andrea Horwath; Liberal Leader Steven Del Duca; at Green Party Leader Mike Schreiner.
Litrato: Reuters / Rebecca Cook/Reuters, Alex Lupul/CBC
Ang mga lider ng mga pangunahing pulitikal na partido sa Ontario ay nakatakdang magharap-harap ngayong Lunes sa kanilang huling debate bago ang eleksyon sa Hunyo 2, isang high-stakes contest na magtatakda ng tono para sa natitirang kampanya.
Ang debate ay nakaiskedyul na magsimula alas-sais ng gabi Eastern Time sa TVO Broadcast Centre sa midtown Toronto.
Dadalo sina Progressive Conservative Leader Doug Ford,
NDP Leader Andrea Horwath, Liberal Leader Steven Del Duca at Green Party Leader Mike Schreiner.- ANALYSIS Sa debate stages, ang political baggage ng mga pinuno ng partido ay nasa front and centre (bagong window)
- ANALYSIS Bakit ang halalan sa Ontario ay magiging isang referendum kay Doug Ford (bagong window)
- ONTARIO VOTES 2022 Saan tatakbo ang halalan sa Ontario — at paano ito mapapanalunan (bagong window)
Ang apat na kandidato ay nagharap sa isang debate noong nakaraang linggo sa North Bay. Habang nakapokus ito sa mga isyu na nakakaapekto sa mga komunidad sa hilaga, ang debate ay nagkaroon ng mainit na palitan (bagong window) tungkol sa pulitikal na kasaysayan ng mga lider (bagong window), ang kanilang vision para sa hinaharap ng Ontario at ang paghawak ni Ford sa COVID-19 na pandemya.
Si Ford at ang PC (Progressive Conservatives) ay lalahok sa debate ngayong Lunes na may komportableng lead sa polls, ayon sa CBC News Ontario Poll Tracker (bagong window). Ang NDP (New Democratic Party) at Liberal Party ay sinusubukan na iposisyon ang kanilang mga sarili bilang tanging partido na magpapabagsak kay Ford, habang ang Greens ay nais lumago mula sa iisang caucus.
Malimit sinasabi ng political insiders na ang leaders' debate ang marka ng pag-uumpisa ng totoong kampanya,
habang mas maraming botante ang nag-uumpisa na magbigay ng kanilang atensyon at gumawa ng desisyon kung sino ang iboboto.
- Tingnan kung sino ang nangunguna sa pinakahuling Ontario polls sa Poll Tracker (bagong window)
- Gamitin ang Vote Compass para ikumpara ang plataporma ng mga partido laban sa iyong mga pananaw (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.