- Home
- Ekonomiya
- Economic Indicators
Average na presyo ng bahay sa Canada bumagsak ng 6% noong Abril
Ang bilang ng home sales ay bumagsak ng 12 porsyento mula Marso

Isang bahay na ibinebenta sa Toronto.
Litrato: CBC / Evan Mitsui
Ang average sale price ng isang bahay sa Canada ay bumagsak ng anim na porsyento sa $746,000 noong Abril, bumaba mula noong Marso ngunit mas mataas pa rin kaysa sa presyo noong nakaraang taon.
Sinabi ng Canadian Real Estate Association ngayong Lunes na ang home sales ay bumagsak noong Abril ng 12 porsyento sa buong bansa, ang pinakamalaking pagbaba ay nakita sa malalaking siyudad tulad ng Toronto.
Ang presyo ay nag-peak sa record high ng mahigit $816,000 noong Pebrero ngayong taon at ang average home prices ngayon ay bumaba na sa loob ng dalawang magkasunod na buwan. Noong Marso, ang average price ay nasa $796,000, bago bumaba muli ng anim na porsyento noong Abril, na isang tipikal na malakas na buwan para sa housing market.
Kasunod ng ilang record-breaking na mga taon, ang housing market sa maraming parte ng Canada ay lumamig na sa nakalipas na dalawang buwan, na naaayon sa pagtalon ng interest rates at buyer fatigue,
ani CREA chair Jill Oudil sa isang pahayag.
Sinabi ng
CREA na ang average selling price ay puwede maging misleading dahil ito ay naaapektuhan ng mahal at maraming benta sa malalaking siyudad tulad ng Toronto at Vancouver. Hina-highlight ng CREA ang ibang numero na tinatawag na House Price Index bilang mas magandang gauge ng market dahil nag-a-adjust ito para sa volume at uri ng bahay na naibenta.Ang
HPI ay lumiit ng 0.6 porsyento noong Abril, ang unang buwanang pagbaba sa loob ng dalawang taon.- Ihanda ang sarili: Interest rates maaaring mas tumaas ng mas mabilis kaysa sa ating iniisip (bagong window)
- ANALYSIS Habang tumataas ang inflation, Macklem hindi iru-rule out ang super-sized rate hike (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.