1. Home
  2. Politika
  3. Mga baril

Canada binago ang regulasyon para tiyakin na ang mga bibili ng baril ay may lisensya

Sa ilalim ng dating regulasyon, ang seller ay hindi obligado na itsek ang registrar

Isang senior range officer nakatingin sa scope ng long gun.

Isang senior range officer nakatingin sa scope ng long gun sa isang tindahan sa Calgary.

Litrato:  (Jeff McIntosh/Canadian Press)

RCI

Binago ng Liberal na gobyerno ang draft firearm regulations para tiyakin na ang isang tao na bibili ng baril ay may valid na lisensya.

Nang ang Bill C-71 ay nakatanggap ng royal assent noong 2019, sinabi ng gobyerno na ire-require ang mga nagbebenta na iberepika ang validity ng isang firearms licence bago magbenta ng isang non-restricted firearm, tulad ng rifle o shotgun.

Gayunpaman, kasama sa prinopose na mga regulasyon ang kawalan ng obligasyon sa parte ng nagbebenta na itsek ang federal firearms registrar para tiyakin na ang isang prospective gun buyer ay may valid licence — isang omission na nagbunsod ng kritisismo mula sa gun-control advocates.

Ang final regulations ay isinapubliko noong Mayo 11 para tanggalin ang naturang loophole.

Ang Bill C-71 ay ire-require din ang mga vendor na magtago ng rekord ng non-restricted firearm transactions.

Dagdag pa riyan, pinalawak ng batas ang background checks na magdedetermina ng eligibility para sa firearms licence. Ngayon sakop na ng background check ang buong buhay ng isang tao, hindi lang ang nakalipas na limang taon.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita