- Home
- Pandaigdig
- Mga Eleksyon sa Ibang Bansa
Pananaw ng Filipino Edmontonians sa halalan para sa pagkapangulo ng Pilipinas

Hinihintay ng staff members na dumating ang mga boto bago magsimula ang bilangan sa Commission on Elections na umaakto bilang national board of canvassers sa naganap na halalan. Sila ay nakaistasyon sa Philippine International Convention Center sa Pasay noong Mayo 10, 2022.
Litrato: AP / Aaron Favila
Tila si Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ay nanalo sa halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas ngayong linggo sa pamamagitan ng isang landslide victory.
Sinamahan ni Marco Luciano, direktor ng Migrante Alberta, ang programang Radio Active ng CBC News para pag-usapan ang naging resulta ng halalan.
Siya rin ay isang miyembro ng Filipino community sa Edmonton, Alberta.
Nakakuka si Ferdinand Marcos Jr. ng mahigit 30.8 milyon na boto sa unofficial results ng mahigit 97% ng mga nabilang na boto mula Martes ng hapon (Philippine time). Ang kanyang pinakamalapit na kalaban, si Vice-President Leni Robredo, isang kampeon ng karapatang pantao, ay may 14.7 milyon na boto, at ang boxing legend na si Manny Pacquiao ay nasa ikatlong puwesto na may 3.5 milyon.
Ang halalan ay naganap noong Lunes, Mayo 9 (Philippine time).
Kaugnay na mga ulat
- [Ulat] Koalisyon na nagbantay sa halalan iprinotesta ang resulta ng bilangan sa Toronto
- Mga nagpoprotesta sa embahada ng Pilipinas natatakot sa pagbabalik ng paniniil sa bansa
- Eleksyon sa Pilipinas, sinuri ng mga Pilipino sa B.C., Alberta, Manitoba at Quebec
Isang artikulo ng Radio Active na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.