1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Tinorture ng rehimeng Marcos, pinanood niya ang pagbawi ng pamilya sa kapangyarinan

Nanalo si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ngayong linggo para maging susunod na pangulo ng Pilipinas

Bonifacio Ilagan nakatingin sa isang pahayagan na naka-frame at nagsasabing nagdeklara ng martial law si Ferdinand Marcos.

Ang dating political prisoner na si Bonifacio Ilagan ibinahagi ang kanyang karanasan noong martial law era sa Pilipinas sa interbyu na naganap sa isang museo na pinaparangalan ang mga taong nakibaka laban sa diktador na si Ferdinand Marcos noong 1970s, sa Quezon City, Manila, noong Mayo 6.

Litrato: Associated Press / Jam Sta Rosa/AFP

RCI

Sa Pilipinas, naka-survive si Bonifacio Ilagan mula sa pagkakakulong, pulitikal na karahasan at pagkawala ng kanyang kapatid na babae — lahat iyan sa kamay ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.

Sa kabila ng maraming dekada ng aktibismo, hindi niya inaasahan na makita ang pamilya na ipinaglaban niyang mapatalsik na makabalik sa kapangyarihan sa kanyang bansa.

Ngunit ito ang nangyari ngayong linggo nang manalo si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa isang landslide victory sa pagka-pangulo.

Nagmuni-muni si Ilagan kung paano nakalimutan ng Pilipinas ang pinakamadilim na panahon nito, ang sama-samang effort ng pamilya Marcos at ng kanilang supporters para pabilisin ang amnesia at ano ang ibig sabihin ng mga nangyari para sa kinabukasan ng Pilipinas.

Isang artikulo ng CBC Listen na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita