1. Home
  2. Lipunan
  3. Asia

Asian Heritage Month: Avid volunteer Alice Lam ay para sa pagbabago sa komunidad

Ang Mayo ay Asian Heritage Month

Alice Lam sa gitna ng magagandang bulaklak.

Si Alice Lam ay anak ng Chinese-Vietnamese refugees na nagtungo sa Canada noong 1985.

Litrato:  CBC / Esther Cho Photography

RCI

Para ipagdiwang ito, iha-highlight ng CBC Calgary ang mayamang heritage at mga kontribusyon ng Asian Calgarians sa isang serye ng 10 profiles buong buwan.

Logo ng 2022 Asian Changemakers ng CBC Calgary.

Ang 2022 Asian Changemakers ay iha-highlight ang mga istorya ng legasiya, heritage at cultural pride mula sa mga Asyanong komunidad ng Calgary.

Litrato:  CBC / Zoe Harveen Kaur Sihota

Una sa kanila si Alice Lam

Si Alice ay anak ng Chinese-Vietnamese refugees na tinawag ang Canada na kanilang tahanan noong 1985. Nagtatrabaho siya sa commercial real estate industry bilang property manager. Ngunit ang kanyang passion ay ang pagbubuo ng isang siyudad kung saan ang mga tao ay makakaramdam ng sense of belonging, kaya iginugugol niya ang kanyang libreng oras sa pagbo-volunteer para sa iba’t-ibang causes na malapit sa kanyang puso.

Noong 2020, tumulong siya na itaguyod ang Calgary Community Fridge (bagong window) at noong 2021, ang Good Neighbour Community Market (bagong window). Sinimulan din niya ang vollyapp.com  (bagong window)— isang website na i-link ang mga tao sa volunteer events sa siyudad ng Calgary sa probinsya ng Alberta.

Ayon kay Lam, kapag lumabas ka sa komunidad, mas matututo kang makisimpatya, at gagawin ang lugar na mas inclusive, sustainable at masaya.

Siya rin ay isang volunteer sa Chinatown ng Calgary. Umupo si Alice sa Advisory Committee para sa Tomorrow's Chinatown project sa Siyudad ng Calgary, at pinangunahan ang makasaysayang Calgary tours para sa publiko.

Bukod dito, nagho-host din siya ng art projects para sa mga senior sa komunidad at nagtatrabaho bilang isang interpreter para sa Chinese seniors.

Mas kilalanin pa si Alice sa ulat na ito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC Communications na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita