1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Mga kandidato sa liderato ng Conservative Party nagbanggaan sa unang opisyal na debate

Ang Conservative leadership hopefuls nakatayo sa entablado.

Ang unang opisyal na debate ng mga kandidato para sa liderato ng Conservative Party ay naganap noong Miyerkules.

Litrato:  (Jeff McIntosh/The Canadian Press)

RCI

Lahat ng anim na Conservative Party leadership candidates ay dumalo sa unang opisyal na debate, nagpalitan ng mga salita para subukan na i-sway ang mga miyembro ng Conservative Party of Canada.

Matatandaan na ang dating lider ng Conservative Party na si Erin O’Toole ay napatalsik sa kanyang puwesto bilang pinuno ng partido noong Pebrero. Siya ay pinalitan ni interim Conservative leader Candice Bergen.

Si O’Toole ay bumaba bilang party leader 18 buwan lamang matapos ang huling leadership race. 73 mula sa 118 Conservative MPs ang bumoto para siya ay mapalitan. Ang Ontario MP na may apat na termino ay lumaban lamang sa iisang pederal na halalan bilang party leader. Natalo siya kay Prime Minister Justin Trudeau sa huling pederal na eleksyon na ginanap noong Setyembre 2021.

 Erin O'Toole nagsasalita sa mikropono.

Ang dating Conservative Leader na si Erin O'Toole (archives)

Litrato: afp via getty images / Andrej Ivanov

Si Bergen naman ay ang MP para sa Manitoba riding ng Portage-Lisgar mula pa noong 2008. Kamakailan nanilbihan siya bilang deputy leader ng Conservatives at naging isa sa mga prominenteng boses ng partido sa House of Commons.

Conservative interim leader Candice Bergen sa loob ng House of Commons.

Conservative interim leader Candice Bergen (archives)

Litrato:  (Sean Kilpatrick/The Canadian Press)

Ang kasalukuyang anim na kandidato para sa liderato ng Conservative Party ay lumahok sa kanilang unang opisyal na debate noong Miyerkules sa wikang Ingles. Sila ay sina:

  • Member of Parliament para sa Haldimand-Norfolk, Leslyn Lewis.

  • Member of Provincial Parliament para sa York Centre, Roman Baber.

  • Dating Quebec Premier Jean Charest.

  • Member of Parliament para sa Parry Sound—Muskoka, Scott Aitchison.

  • Brampton Mayor Patrick Brown.

  • Member of Parliament para sa Carleton, Pierre Poilievre.

Ang mga kandidato ay maghaharap muli sa Mayo 25 sa Montreal para sa debate sa wikang Pranses bago magpatuloy ang pangangampanya na tatakbo buong tag-init.

Ang mga miyembro ng Conservative Party ay boboto para sa kanilang ikatlong permanenteng pinuno sa nakalipas na limang taon sa isang convention na magaganap sa Setyembre 10.

Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:

Basahin din ang buong istorya rito (bagong window).

Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita