- Home
- Kapaligiran
- Car Industry
Planta ng Stellantis sa Windsor at Brampton may $3.6B na upgrade para sa EV production
Sinamahan nina Trudeau at Ford ang COO ng Stellantis North America para mag-anunsyo sa Windsor, Ont.
Prime Minister Justin Trudeau binisita ang Stellantis Automotive Research and Development centre sa Windsor, Ontario ngayong Lunes, Mayo 2, 2022.
Litrato: The Canadian Press / Geoff Robins
Ang auto assembly na mga planta ng Stellantis sa Windsor at Brampton ay makakakuha ng $3.6 bilyon na halaga ng upgrades para suportahan ang pagtulak ng kompanya sa electric vehicle at electric vehicle battery production.
Binisita nina Prime Minister Justin Trudeau at Ontario Premier Doug Ford ang Windsor, Ont., kasama si Mark Stewart, chief operating officer ng Stellantis North America, ngayong Lunes para ianunsyo na ang Stellantis ay mag-i-invest ng bilyong-bilyong dolyares para sa retooling at modernisasyon ng dalawang planta.
Sa isang news release ngayong Lunes, sinabi ng kompanya na babaguhin nito ang mga planta upang maging flexible, multi-energy vehicle assembly facilities
na handang gumawa ng electric vehicles ng hinaharap.
Sinabi sa media release na ang halaga ng naging investment ay $3.4 bilyon, ngunit habang nag-aanunsyo, klinaro ng mga opisyal na ito ay $3.6 bilyon na investment.
Ang araw na ito ay isa na namang halimbawa na ang ating plano na itaguyod ang Ontario ay nagde-deliver ng huge wins para sa mga manggagawa at komunidad sa buong probinsya,
ani Ford sa release.
Mayroon lahat ang Ontario para muling maging auto manufacturing powerhouse sa North America. Habang ang ibang gobyerno ay tumayo lang sa tabi at pinanood na mawala ang mga trabaho sa probinsyang ito, we are getting it done at tinitiyak na ang mga kotse ng hinaharap ay gagawin sa Ontario ng mga manggagawang Ontarians.
Para sa Windsor Assembly Plant, umaasa ang Stellantis na ang mga pagbabago ay idi-diversify ang abilidad nito na ipakilala ang battery-electric o hybrid na mga modelo sa production line para maabot ang tinatawag nitong lumalaking demand para sa low-emissions vehicles.
Ang probinsya ay popondohan ang renovation ng hanggang $287 milyon.

Dalawang Stellantis auto assembly plants sa Ontario ang makakakuha ng $3.6 bilyon na upgrade para suportahan ang electric vehicle at battery production.
Litrato: Radio-Canada / Colin Cote-Paulette
2 bagong R&D facilities plinano para magpokus sa
EVAng kompanya ay magtatayo rin ng bagong research and development facilities na nakapokus sa
EV production at battery technology.Papalakihin din ng Stellantis ang kanilang Automotive Research and Development Centre sa Windsor sa pamamagitan ng pagtatayo ng dalawang Electric Vehicle and Battery Pack Testing Centres of Competency, na susuportahan ang lahat mula auto design hanggang development.
Ang mga centre ay inaasahan na magbibigay ng mga oportunidad para sa mga estudyante sa unibersidad, kolehiyo at startups na nais maging bahagi ng
EV production.Ayon sa Stellantis, ang probinsya ay mag-i-invest ng hanggang $94 milyon para sa mga centre na ito.
Sa Brampton Assembly Plant, babaguhin ng Stellantis ang assembly line nito para pahintulutan ang pagpo-produce ng battery-electric at hybrid vehicles, ang probinsya ay nag-commit ng $132 milyon para sa pasilidad.
Sa kabuuan, ang probinsya at pederal na gobyerno ay kapwa magbibigay ng hanggang $315 milyon para pondohan ang mga development na ito.
Ang araw na ito ay isang malaking panalo para sa mga Canadian na manggagawa, kinabukasan ng auto sector ng Canada at ng buong ekonomiya ng Canada,
ani François-Philippe Champagne, minister of innovation, science and industry, sa isang news release.
Sa pamamagitan ng makasaysayang investment sa Stellantis para gumawa ng libo-libong electric vehicles bawat taon, sine-secure natin ang libo-libong well-paying na trabaho sa Windsor at Brampton. Kasama ang isang siglo ng kahusayan ng Canadian auto workers, ang araw na ito ay isa na namang hakbang sa ating gawain upang makapagtaguyod ng isang sustainable na ekonomiya para sa hinaharap na parte ng path to net zero ng Canada.
Sa pamamagitan ng mga pagbabagong ito at ng
EV battery plant, sinabi ng Stellantis na sila ay mag-i-invest ng $6 bilyon sa auto industry ng probinsya.Noong Marso, ang mga pulitiko at mga opisyal ng Stellantis ay nag-anunsyo ng $4.9 bilyon na joint-venture EV battery plant para sa timog-kanlurang rehiyon ng Ontario.
Ang Stellantis at ang South Korean battery manufacturer na LG Energy Solution ay nagtambal para sa naturang proyekto, na mag-uumpisa ng operasyon sa 2024.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.