- Home
- Politika
- Katutubo
AFN national chief hiniling sa UN na imbestigahan ang Canada ukol sa residential school
Sinabi ng justice minister na ang Canada ay makikipag-cooperate sa imbestigasyon ng UN

AFN National Chief RoseAnne Archibald (archives)
Litrato: La Presse canadienne / DARRYL DYCK
Hiniling ni Assembly of First Nations National Chief RoseAnne Archibald sa United Nations noong Lunes na maglunsad ito ng isang imbestigasyon tungkol sa posibleng papel ng Canada sa paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng residential schools.
Ang residential schools ay mga paaralan na pinondohan ng gobyerno at pinatakbo ng simbahan para turuan ang mga katutubong First Nations, Métis at Inuit na mga bata na maging bahagi ng lipunan ng Canada. Ang First Nations, Métis at Inuit ang mga katutubong tao sa Canada na may sariling wika, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
Sinabi ni Archibald na gusto niyang imbestigahan ng
UN Special Rapporteur sa mga karapatan ng Indigenous Peoples, kasama ang iba pang opisyal ng UN, ang papel ng Canada sa residential school system bilang tugon sa naiulat na nadiskubre sa dating residential school sites na daan-daang unmarked graves na pinaniniwalaang naglalaman ng mga labi ng mga bata.
Isang damit ng bata ang nakasabit sa krus malapit sa dating Kamloops Indian Residential School.
Litrato: La Presse canadienne / Darryl Dyck
Hindi ko na ito tinatawag na mga paaralan dahil wala akong pinasukan na eskuwelahan kung saan ang mga bata ay nilibing sa unmarked graves,
ani Archibald.
Ang Canada at ang ibang UN member states ay hindi dapat umiwas na tingnan ito.
Sinabi ni Archibald na siya ay naghahanap ng ganap na pagwawasto, kasama ang kriminal na prosekusyon, sanctions at iba pang lunas.
Ginawa niya ang request sa 21st Session ng United Nations Permanent Forum sa
UN headquarters sa New York. Nagpadala rin siya ng written request sa Office of the UN High Commissioner for Human Rights.Sa press conference ng assembly, tinukoy ni Archibald ang pagkakadiskubre sa mahigit 200 unmarked graves malapit sa dating Kamloops Indian Residential School (bagong window) sa Tk'emlúps te Secwépemc, at mahigit 700 na iba pa malapit sa dating Marieval Residential School (bagong window) sa Cowessess First Nation.
Ang Canada ay hindi dapat pahintulutan na imbestigahan ang sarili,
ani Archibald.
Pakiusap tulungan ninyo kami na tiyakin na ang ganitong bagay ay hindi na mangyayari muli kailanman. Hindi lang sa amin, kung hindi sa sinuman.
Canada hindi haharangin ang imbestigasyon ng
UN: justice ministerSa huling federal budget, nagtabi ang Canada ng $10.4 milyon sa susunod na dalawang taon para magtalaga ang Justice Canada ng isang special interlocutor na makikipagtuluingan sa Indigenous Peoples para protektahan at ipreserba ang unmarked burial sites.
Sinabi ni Justice Minister David Lametti na ang trabaho ng interlocutor ay hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng
UN.Hindi naman sinabi kailanman na haharangan namin ang ganitong uri ng request kung magdesisyon ang UN na gawin ito,
ani Lametti.
Palagi kaming makikipag-cooperate sa United Nations.
Bukod sa
UN, hiniling din ni Archibald sa International Criminal Court na maglunsad ito ng sariling imbestigasyon sa residential school record ng Canada para sa paglabag nito sa karapatang pantao.Sinabi ni Archibald na ang anumang eksaminasyon sa Canada at residential schools ay dapat walang kinikilingan at malaya.
Sinabi niya na ang
RCMP ay hindi puwedeng maging involved dahil ito ang kumuha sa mga katutubong bata mula sa kanilang mga pamilya para pumasok sa residential schools.- Vatican, Canadian bishops nabibigong makipag-ugnayan sa (bagong window) AFN para sa pagpaplano sa pagbisita ng Santo Papa, sabi ng regional chief
- Mahigit 200 na kahon ng mga record nasa ilalim ng pagsisiyasat ng Canada, mga korte para sa koneksyon sa residential school (bagong window)
Mahigit 150,000 na mga bata ang pumasok sa residential schools sa Canada mula 1830s hanggang sa magsara ang huling eskuwelahan noong 1997.
Sinabi ni Archibald na ang intergenerational trauma mula sa mga paaralan na ito ay naaapektuhan pa rin ang mga survivor at ang kanilang mga kaapu-apuhan, marami sa kanila ang hindi na nagsasalita ng kanilang katutubong wika.
Ang mga instutusyon na ito ay idinisenyo para patayin ang Indian sa bata,
aniya.
Isang artikulo ni Olivia Stefanovich (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kay Chris Rands