1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Car Industry

Canada pinalawak ang electric vehicle rebate program para isama ang mga trak, van, SUV

Ang programa ay nag-aalok ng $5,000 na rebate para sa pagbili ng bagong electric vehicle

Isang 2024 Chevrolet Silverado EV RST na naka-display sa entablado.

Ang 2024 Chevrolet Silverado EV RST sa Detroit noong Enero 2022. Pinalawak ng pederal na gobyerno ang kanilang electric vehicle rebate para isama ang mga trak.

Litrato: Associated Press / Paul Sancya

RCI

Pinalawak ng pederal na gobyerno ng Canada ang electric vehicle rebate program para isama ang malalaking sasakyan tulad ng mga van, SUV at trak na dati ay hindi kwalipikado.

Ang programa, na inilunsad noong 2019, ay nag-aalok ng $5,000 na rebate para sa fully electric vehicles at $2,500 para sa hybrid vehicles, ngunit mayroon itong price cap na $55,000 sa vehicle purchase.

Simula sa isang linggo, ang price cap ay itataas sa $65,000 para sa mga kotse at ang bagong kategorya ay mag-aalok ng rebate para sa malalaking sasakyan hanggang $70,000.

Ang expansion ng programa ay inanunsyo sa budget ngayong buwan ngunit inanunsyo ni Transport Minister Omar Alghabra ang mga bagong detalye ngayong Biyernes.

Ang budget ay nagtabi ng $1.7 bilyon para ipagpatuloy ang programa hanggang 2025 at palawakin ang scope nito.

Naglalayon ang gobyerno na gawing zero-emission ang 100 porsyento ng bagong vehicle sales pagsapit ng 2035.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita