- Home
- Lipunan
- Hate Crime
Muslim community sa Quebec gugunitain ang ika-5 anibersaryo ng pag-atake sa moske
Ang mga seremonya ay gaganapin sa Quebec City at Montreal ngayong Sabado ng gabi

Ang anim na kalalakihan na biktima ng mass shooting ay sina, clockwise mula top left, Mamadou Tanou Barry, Azzeddine Soufiane, Abdelkrim Hassane, Ibrahima Barry, Aboubaker Thabti at Khaled Belkacemi.
Litrato: CBC
Limang taon matapos ang karumal-dumal na pag-atake sa isang moske (bagong window) sa Quebec City kung saan namatay ang anim na tao at nasaktan ang 19, ang survivors at mga miyembro ng Muslim Community ay magtitipon ngayong Sabado upang tapusin ang isang linggo ng events ukol sa trahedya.
Sinabi ng mga lider ng moske na ang anibersaryo ay isang makabuluhang paggunita sa mga biktima at sa mga taong nabago ang buhay habambuhay noong gabi ng Enero 29, 2017, nang pumasok ang isang gunman at nagpaputok sa Islamic Cultural Centre sa Sainte-Foy neighbourhood.
Binaril sina Mamadou Tanou Barry, Ibrahima Barry, Khaled Belkacemi, Abdelkrim Hassane, Azzeddine Soufiane at Aboubaker Thabti ilang sandali pagkatapos ng evening prayers sa moske.
Mula noong pag-atake, sumailalim sa extensive upgrades (bagong window) ang Islamic centre upang siguraduhin na ligtas ang mga sumasambang Muslim sa loob ng moske.
Ang anim na larawan ng mga kalalakihan na pinatay sa pag-atake ay pinalamutian din ang mga dingding ng moske ngayong weekend upang parangalan ang kanilang pagkatao. Ngunit sa labas ng mga pader ng moske, ang mga miyembro ng Muslim community ng probinsya ay nagpinta ng ibang larawan.
PANOORIN | Ang pagtulong sa mga sumasamba na maghilom pagkatapos ng trahedya:
Sa isang serye ng events na ginanap online ngayong linggo dahil sa COVID-19 pandemic, ang komunidad ay nanawagan para sa mas maraming aksyon mula sa gobyerno (bagong window) upang labanan ang Islamophobia, kasama ang pagbabago sa ilang parte ng kontrobersyal na secularism law ng Quebec, na kilala bilang Bill 21, at ang paghihigpit sa gun control laws ng Canada.
Sa isang news conference na ginanap noong Huwebes, sinabi ni Boufeldja Benabdallah na ang pagtanggi ni Premier François Legault na kilalanin ang Islamophobia (bagong window) sa probinsya ay pumipigil sa progreso ng Quebec.
- Paano nakatulong sa Quebec City Muslims (bagong window)ang pagiging mas ligtas ng mga moske (bagong window)
Sa Quebec, hindi kinikilala ng ating premier na may umiiral na sistematikong rasismo o Islamophobia,
ani Benabdallah, ang co-founder ng moske kung saan naganap ang trahedya.
Kailangan natin umaksyon, ang aksyon ay upang labanan ang diskriminasyon at sistematikong rasismo; ito ay isang paglaban sa mga baril na pumapatay sa mga bata, sa mga nakatatanda.
PANOORIN | Artist pinarangalan ang anim na taong pinatay sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang portrait para sa bawat isa:
Mga seremonya gaganapin sa Quebec City, Montreal
Ang anibersaryo ngayong Sabado ang unang opisyal na National Day of Remembrance of the Quebec City Mosque Attack and Action Against Islamophobia, na prinoklama ng pederal na gobyerno noong Abril 2021.
Ang opisyal na seremonya ay naka-iskedyul ngayong Sabado sa labas ng Quebec City mosque sa ganap na alas-sais ng gabi Eastern Time. Ang mga survivor at kamag-anak ng mga biktima ay maghahatid ng mga talumpati, si Legault at si Quebec City Mayor Bruno Marchand ang ilan sa inaasahang dadalo sa event.
Dahil sa pandemya, ang event ay ila-live stream, at ang publiko ay hinihiling na sundan ito online (bagong window).
- 5 taon matapos ang isang fatal mosque attack, Quebec City Muslims nanawagan para sa CAQ government na umaksyon para tapusin ang Islamophobia (bagong window)
- 'We're here to stay': Quebecers na ipinaglaban ang pagpapatayo ng Muslim cemeteries ay sinasabi na ito ay isang senyales ng progreso (bagong window)
Sa Montreal, isang vigil ang plinano sa ganap na alas-singko Eastern Time ngayong Sabado sa Parc Metro station, sa Parc-Extension neighbourhood ng siyudad, upang parangalan ang mga biktima ng shooting.
Itatampok sa event, na inorganisa ng mga founder ng Muslim Awareness Week (MAW), ang guest speakers bago obserbahan ang isang sandali ng katahimikan.
Ang pag-atake sa CCIQ noong 2017 at ang impact nito sa ating lipunan ay hindi dapat kalimutan at dapat harapin ang pinag-ugatan nito sa isang seryosong paraan,
ani Ehab Lotayef, co-founder at dating presidente ng MAW.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa The Canadian Press.