1. Home
  2. Kalusugan
  3. Coronavirus

Alberta premier tatanggalin ang vaccine passport ‘sa sandaling ligtas na itong gawin’

Kailan tatanggalin ang vaccine passport sa Alberta?

Montage ng larawan: lumulutang ang mga coronavirus sa paligid ni Alberta Premier Jason Kenney, na nakasuot ng mask.

Ang paghawak ng gobyerno ni Kenney sa pandemya ng COVID-19 ay labis na pinuna noong 2021 (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh / montage photo

RCI

Sinabi ni Premier Jason Kenney na gusto niyang tanggalin ang COVID-19 vaccine passport program sa Alberta sa sandaling ligtas na itong gawin, ngunit binigyang-diin na hindi pa ito ang tamang panahon habang patuloy na nararanasan ng mga ospital ang pandemic pressures.

Sinabi ni Kenney noong Huwebes na ang gobyerno ay kikilos patungo sa malawakang pagluwag ng public health measures sa oras na mag-trend pababa ang pressure sa health system at COVID-19 hospitalizations.

Ang vaccine passport system sa Alberta, na tinatawag na Restrictions Exemption Program, ay pinahihintulutan ang mga negosyo na mag-operate na may mas kaunting restrictions kung ang mga kostumer ay makapagpapakita ng proof of vaccination, negative test results o medical exemption.

Habang may magandang balita na encouraging para sa ating lahat, hindi ngayon ang tamang panahon upang paluwagin ang measures… habang ang mga ospital ay nasa ilalim ng matinding pressure, ani Kenney sa isang briefing (bagong window) noong Huwebes.

Ang mga desisyon ay ibabatay sa data at public health advice, aniya - at kahit na hindi siya nagpahayag ng precise timelines, iginiit ng premier na siya ay pretty confident na darating ito bago magtapos ang Marso.

Ito lang ang sasabihin ko sa inyo - tatanggalin natin ang Restriction Exemption Program sa sandaling ligtas na itong gawin.

Dumating ang pahayag ni Kenney habang naitala ng Alberta ang pagtaas ng COVID-19 hospitalizations sa 1,469 (bagong window) mula 1,418. Ang COVID-19 dashboard ng probinsya  (bagong window)ay nagpakita na may 106 na tao sa intensive care units sa buong probinsya. Iniulat din ng Alberta ang 14 na karagdagang pagkamatay at 3,218 na lab-confirmed cases.

Sinabi ni Alberta chief medical officer of health, Dr. Deena Hinshaw, na ang mga bata edad dalawa pababa ay magiging eligible muli para sa provincial PCR testing, dahil ang rapid tests at pagbabakuna ay hindi option para sa age group na ito sa kasalukuyan.

Samantala, binago ng Saskatchewan ang kanilang public health orders habang kumikilos ito patungo sa pagtatrato sa COVID-19 Omicron variant na katulad ng ibang pangkaraniwang respiratory viruses. Simula ngayong Biyernes, ang close contacts ng mga taong nagpositibo ay hindi na ire-require na mag-self-isolate.

Ang sinuman na infected, nabakunahan man o hindi, ay kailangan pa rin mag-isolate ng limang araw, ngunit ang pagbabago ay ang pagluwag ng isolation requirement na 10 araw para sa mga hindi bakunado. Sinabi ng health officials na ang Omicron ay sobrang nakakahawa na ang mga tao na naiwasan ang COVID-19 so far ay mae-expose din.

Ang total COVID-19 hospitalizations sa Saskatchewan ay nasa 328 noong Huwebes  (bagong window)- mas mataas ng 13 noong nakaraang araw - at 35 na tao ang nasa intensive care units. Iniulat din ng probinsya na dalawa pa ang nasawi at 1,273 ang karagdagang cases.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang file mula sa CBC News.

Mga Ulo ng Balita