- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Canada nangako ng $42M sa Haiti para sa bagong aid funding
Nangako ang Canada ng karagdagang $42 milyon na aid funding para sa Haiti

Ariel Henry ang bagong prime minister ng Haiti (archives).
Litrato: (Matias Delacroix/The Associated Press)
Ginamit ng mga opisyal ang isang virtual summit upang mangako ng karagdagang $42 milyon na aid funding para sa Haiti, upang pagandahin ang sitwasyon ng seguridad sa bansa.
Matatandaan na pinaslang ang dating presidente ng Haiti na si Jovenel Moïse, 53, sa kanyang tahanan sa Pelerin 5 neighbourhood sa Port-au-Prince noong Hulyo 7, 2021.
Kinondena ni Prime Minister Justin Trudeau ang pagpatay kay Moïse noong mga panahon na iyon at sinabi na ang Canada ay handang tumulong sa Haiti.
Mahigpit kong kinokondena ang kakila-kilabot na pagpaslang kay Pangulong Moïse,
aniya sa isang tweet.
Ang Canada ay handang tumulong sa mga mamamayan ng Haiti at ibibigay ang anumang tulong na kanilang kakailanganin.
Matapos paslangin si Moïse, itinalaga si Ariel Henry bilang prime minister ng bansa.
Ang Haiti — isang bansa na may 11 milyon na tao at ang pinakamahirap sa Americas — ay may matagal at malapit na relasyon sa Canada.
Ang Haiti ang pinakamalaking recipient ng development assistance mula sa Canada sa rehiyon.
Ang bansa ay matagal nang nahihirapan dahil sa kawalan ng katatagan sa pulitika, kahirapan at krimen mula noong magwakas ang brutal na diktadura nina Francois at Jean-Claude Duvalier mula 1957 hanggang 1986.
Kaugnay na mga istorya
- Mamamahayag para sa isang Montreal online radio station napatay on the job sa Haiti (bagong window)
Dating senador inaresto matapos hanapin para sa assassination ng presidente ng Haiti (bagong window)
- Haiti itinalaga si Ariel Henry bilang bagong pinuno matapos mapaslang ang presidente ng bansa (bagong window)
Isang video ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa CBC News.