1. Home
  2. Lipunan
  3. Sunog

3 batang lalaki na nasawi sa isang sunog sa Brampton kinilala ng kaibigan ng pamilya

Inaalam pa ng opisina ng Ontario Fire Marshal ang sanhi ng sunog

Nasunog na bahay.

Tatlong bata ang itinakbo sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi rin dahil nasunog ang isang townhouse sa Brampton, Ontario noong Huwebes.

Litrato: CBC / Evan Mitsui

RCI

Kinilala ng isang kaibigan ng pamilya ang tatlong batang lalaki na namatay dahil nasunog ang isang bahay sa Brampton noong Huwebes.

Ang mga bata ay sina Alex Bagan-Overholt, 9, at ang kanyang mga kapatid na sina Riley, 12 at Coen, 15, sabi ni Crystal Mark, isang malapit na kaibigan ng kanilang ina na si Heather Bagan.

Mga bata na nasa harap ng laptop.

Alex, 9, Coen, 15, at Riley Bagan-Overholt, 12, ang mga batang biktima ng sunog.

Litrato: Peel Regional Police

Kinumpirma ng Peel Regional Police na hinatid ni Bagan ang isa pang maliit na anak sa eskuwelahan nang masunog ang bahay at walang ibang matanda sa loob ng tahanan. Ang isa sa mga bata ay tumawag sa 911, ngunit mabilis na tinupok ng apoy ang kanilang townhouse kaya hindi na sila nailigtas ng mga bumbero.

Sinabi ni Mark na si Bagan ay pinapalibutan ng suporta at sinabi ng pulis na wala siyang ginawang mali.

Siya ang isa sa pinakamatibay, capable at mapagbigay na magulang na nakilala ko. Kaya parang hindi totoo na makita ang mga nangyayaring ito, sinabi niya sa CBC News ngayong Biyernes.

Sinabi ni Mark na ang mga bata ay mababait - fun, friendly… sweet sa ibang mga bata sa neighbourhood.

Talagang trahedya kapag may nangyaring ganito.

Nag-iimbestiga pa rin ang fire marshal ng Ontario, ngunit ang sanhi ng sunog ay maaaring matagalan pa bago ma-figure out.

Ang aming mga puso ay nakikidalamhati sa pamilya at komunidad sa mahirap na panahong ito, ayon sa pahayag ng fire marshal ngayong Biyernes.

Si Deputy Fire Marshal Tim Beckett ay nasa eksena noong Huwebes upang magbigay ng suporta sa mga bumbero ng Brampton at sa investigative team ng fire marshal.

Inatasan ng opisina ng fire marshal ang apat na imbestigador sa kaso at ang staff ay pumunta sa pinangyarihan ng sunog ngayong Biyernes kasama ang Peel Regional Police ng Brampton Fire and Emergency Services.

Dahil ang nature ng anumang fire scene ay unique, ang fire investigators ay naglalaan ng oras upang lubusang suriin ang lahat ng ebidensya at datos bago tapusin ang anumang ulat, ayon sa opisina ng fire marshal.

Dahil kasisimula pa lang ng imbestigasyon, magiging premature na i-speculate ang anumang findings o timeframe ng completion.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita