1. Home
  2. Kalusugan
  3. Coronavirus

Quebec hindi luluwagan ang public health measures sa ngayon

‘Naiintindihan ko na tayong lahat ay pagod na, ngunit nakataya rito ang mga buhay,’ ani François Legault

François Legault sa isang press conference.

Quebec Premier François Legault (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Graham Hughes

RCI

Kahit na lumalaki ang pressure na luwagan ang public health restrictions habang ang bilang ng mga taga-Quebec na naoospital ay nagsimula nang mag-level off, sinabi ni Premier François Legault ngayong Huwebes na masyado pang maaga upang luwagan ang restrictions na ipinatupad sa panahon ng ikalimang wave ng pandemya.

Sa ngayon, hindi natin maaaring tanggalin ang public health measures, aniya. Kapag ginawa ito ng probinsya manganganib na naman na tumaas ang transmission at hospitalizations, na hindi natin puwedeng pahintulutan, aniya.

Sinabi ng premier na ang health-care network ng Quebec ay nananatiling mahina, 12,000 health workers pa rin ang absent sa trabaho.

Iniulat ng Quebec Health Ministry na mahigit 3,411 katao ang nasa ospital na may COVID-19 ngayong Huwebes, mas mababa ng 14 mula Miyerkules, at sinabi rin ni Legault sa Quebecers sa isang news conference ngayong hapon, na ang pinakahuling wave ng infections ay tila nag-peak na.

Ang sitwasyon ay nananatiling napakahirap at the moment, aniya.

Kung ang probinsya ay mananatili sa kasalukuyang level ng admissions, sinabi ni Legault na hindi na nito kailangan lumipat sa Plan B, ang pinakahuling contingency na inihayag ngayong unang bahagi ng linggo, habang parami nang parami ang mga Quebec hospitals na lumampas sa maximum na bilang ng mga bed (bagong window) na nilaan para sa COVID-19 patients.

Bagama’t ang probinsya ay nakikita na ang liwanag sa dulo ng tunnel, sinabi ni Legault na mas gusto niyang maghintay para sa mas maraming katibayan ng progreso bago baguhin ang anumang rules.

Hinikayat niya ang Quebecers na magpasensya.

Naiintindihan ko na lahat tayo ay pagod na, ngunit nakataya rito ang mga buhay, aniya.

PANOORIN | Legault sinabi na masyado pang maaga para luwagan ang restrictions:

Bahagi ng artikulo ni Sabrina Jonas (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita