- Home
- Agham
- Pagbabago ng Klima
Mga siyentipiko nais tanggalin ng Canada ang carbon capture tax credit
Ang plano ay magbibigay ng malaking subsidy sa oil at gas habang nais ng Canada na i-cut ang subsidies

Ang litrato na ito na kinuha noong 2015 ay ipinapakita ang carbon capture at storage facility ng Quest sa Fort Saskatchewan, Alta.
Litrato: La Presse canadienne / Jason Franson
Mahigit 400 Canadian climate scientists at iba pang mga miyembro ng akademiya ang nakikiusap kay Finance Minister Chrystia Freeland na tanggalin sa kanyang plano ang paglikha ng tax credit para sa mga kompanya na magtatayo ng carbon capture at storage facilities (bagong window).
Iminungkahi ni Freeland ang ideya ng isang tax credit (bagong window) sa federal budget noong nakaraang taon at ang mga konsultasyon upang idisenyo ito ay natapos na bago ang Pasko.
Sa isang liham na ipinadala kay Freeland nitong Miyerkules (bagong window), nanawagan ang ilan na abandonahin niya ang ideya, at tinawag itong isang malaking subsidy para sa oil at gas industry na direktang kumokontra sa pangako ng Canada na tanggalin ang ganitong subsidies at bawasan ang greenhouse gas emissions.
Ang University of Victoria geography at civil engineering professor na si Christina Hoicka ang lead signatory ng liham at iginiit na mahal ang carbon capture at storage, hindi pa napapatunayan at patatagalin ang paggamit ng fossil fuels sa halip na magtrabaho upang palitan ito ng malinis na enerhiya.
- Canada ihihinto ang pagpopondo ng fossil fuel projects sa ibang bansa
- Canada gumastos ng $18B sa financial supports para sa fossil fuel industry noong nakaraang taon: report (bagong window)
Ang carbon capture, storage at utilization systems ay ita-trap at ia-isolate ang carbon dioxide na galing sa large-scale industry operations. Pagkatapos, permanenteng ibabaon ang CO2 sa lupa o gagamitin para mag-produce ng mas maraming langis.
PANOORIN | Ang pagpapabagal sa climate change sa pamamagitan ng paghigop ng CO2 sa hangin:
Nilinaw ni Freeland na ang mga proyekto lang na permanenteng ibabaon ang trapped carbon dioxide ang magiging eligible para sa carbon capture tax credit, ngunit nais ng mga akademiko na i-limit ang paggamit nito sa mga industriya na walang ibang option para sa pagbabawas ng emissions at huwag payagan ang fossil fuel, plastic o petrochemical companies na maging kwalipikado para rito.
- Canada nangako ng tax credit para sa carbon capture — sulit ba ang perang igugugol sa teknolohiyang ito? (bagong window)
- CBC EXPLAINS Carbon capture: Ano ang dapat mong malaman ukol sa paghigop ng CO2 para labanan ang climate change (bagong window)
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.