1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

’Oo, natatakot kami sa isang armadong labanan sa Ukraine,’ pahayag ni Trudeau

Prime Minister Justin Trudeau sinabi na siya'y “extremely concerned” sa umiigiting na Russia-Ukraine conflict.

Justin Trudeau sa isang press conference.

Prime Minister Justin Trudeau ng Canada (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na siya ay “extremely concerned” dahil sa umiigiting na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ngayong Miyerkules sa isang press conference na isinagawa upang magbigay ng update sa estado ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Oo, natatakot kami sa isang armadong labanan sa Ukraine, agad na tugon ni Trudeau nang siya ay tinanong ng mga mamamahayag sa posibilidad ng pag-aalok ng Canada ng material aid sa dating satellite country ng Soviet Union.

Mula noong pro-Western Maidan revolution at annexation ni Russian President Vladimir Putin sa Crimea noong 2014, ang silangang Ukraine ay naging eksena ng isang digmaan sa pagitan ng hukbong militar nito at ng Russian-backed separatists.

Gayunpaman, sa nagdaang mga linggo, ang Russia ay nagpadala ng 100,000 na sundalo sa kanilang border sa Ukraine, dagdag pa sa pagpoposisyon nito ng mga tangke at iba pang heavy artillery doon. Bagama’t ang rehimen ni Putin ay itinatanggi ang anumang intensyon na salakayin ang Ukraine.

Kami ay extremely concerned tungkol sa positioning ng gobyerno ng Russia, tungkol sa sinasabi nito at sa pagpapadala nila ng mga sundalo sa border ng Ukraine, ito ay alalahanin din ng ating mga allies sa buong mundo at ng Ukrainian government, ani Trudeau ngayong Miyerkules.

Natapos na ang dalawang araw na pagbisita ni Canadian Foreign Minister Mélanie Joly sa Ukraine noong Martes, kung saan hiniling ng Kyiv sa Canada na magbigay ito ng military equipment at mga armas, tulad ng kasalukuyang ginagawa ng ilang allies, kabilang ang United Kingdom.

Hindi pa opisyal na tumugon ang Canada, ngunit tila hindi na isinasara ng bansa ang pinto nito sa naturang option. Ipinahiwatig ng prime minister ngayong Miyerkules na ang Canada ay naghahanda para sa anumang kaganapan.

Sa ngayon, nag-provide ang Canada ng 200 na sundalo sa Ukraine bilang bahagi ng Unifier mission.

Isang artikulo ng Radio-Canada na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita