1. Home
  2. Kalusugan
  3. Coronavirus

Bilang ng COVID-19 hospitalizations sa Ontario at Quebec, muling tumaas

Mahigit 7,500 katao ang naospital dahil sa COVID-19 sa Ontario at Quebec. Nagtala rin ang bawat probinsya ng new highs.

Isang lalaking intubated na nakahiga sa isang hospital bed.

Isang lalaki ang naospital matapos magkaroon ng COVID-19 (archives).

Litrato: Associated Press

RCI

Tumaas na naman ang COVID-19 hospitalizations sa dalawang pinakamataong probinsya sa Canada, iniulat ng mga opisyal ngayong Martes. May 4,183 total hospitalizations sa Ontario at 3,417 hospitalizations sa Quebec.

Ang updated na hospital information ay dumating habang maraming estudyante sa parehong probinsya ang nagbalik sa in-person education ngayong Martes, matapos maantala ang planadong pagbabalik noong Lunes dahil sa isang malakas na winter storm.

Ang mga bata ay nagsimulang mag-aral remotely noong matapos ang holiday break sa gitna ng mataas na COVID-19 transmission. Para sa ilang estudyante sa Greater Toronto Area, ang remote education ay nagpatuloy matapos ang bagyo, habang ang ilan ay nagkaroon ng snow day bago ang inaasahang pagbabalik sa klase sa Miyerkules.

Ngayong Martes, iniulat ng Quebec ang 3,417 COVID-19 hospitalizations (bagong window). Ayon sa isang update na ipinost online, 289 katao ang nasa intensive care unit. Dumating ang update matapos i-report ng probinsya na 89 katao pa ang nasawi at nadagdagan ng 5,143 ang lab-confirmed cases.

Inaasahan na magkakaroon ng COVID-19 briefing si Health Minister Christian Dubé ngayong Martes kasama ang interim public health director ng probinsya. Ang briefing ay dumating matapos palawakin ng Quebec ang proof of vaccination system nito sa liquor at cannabis stores.

Ipinakita ng COVID-19 dashboard (bagong window) ng Ontario ngayong Martes na may 4,183 hospitalizations sa probinsya, 580 katao ang nasa intensive care. Iniulat din nito na 37 pa ang nasawi at nadagdagan ng 7,086 ang lab-confirmed cases.

Sinabi ni Dr. Eileen de Villa, ang medical officer of health ng Toronto, na masyado pang maaga upang malaman kung ang Omicron-driven wave ay nag-peak na sa siyudad.

Habang masyado pang maaga para makasiguro, nakikita natin sa initial indicators na ang rate ng infection ay maaaring nag-plateau na o nagsimula nang bumaba, aniya, idinagdag pa niya na malayo pa ang ating lalakbayin.

Ang level ng viral activity sa komunidad ay nakakabahala at nagbibigay pa rin ito ng significant strain sa health-care system, aniya.

Sa Quebec at Ontario, ang access sa lab-based PCR tests ay lubhang limitado, na ibig sabihin ang totoong case numbers sa parehong probinsya ay pinaniniwalaang mas mataas kaysa sa mga nai-post na bilang.

Isang artikulo ng CBC News at The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita