1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Foreign Affairs Minister Mélanie Joly bibisita sa Ukraine habang nagbabanta ang Russia

Makikipagkita si Joly sa Ukranian PM at deputy PM sa Kyiv

Close up shot ni Mélanie Joly at may mga bandila ng Canada sa background.

Ang foreign affairs minister ng Canada na si Mélanie Joly (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Bibisita si Foreign Affairs Minister Mélanie Joly sa Ukraine ngayong linggo habang kinakaharap ng bansa ang banta ng pagsugod ng Russian na tropa.

Sinabi ng opisina ni Joly na ang anim na araw na pagbisita ay upang muling pagtibayin ang suporta ng Canada para sa soberanya at paninindigan sa teritoryo ng Ukraine.

Plano ni Joly na makipagkita kina Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal at Deputy Prime Minister Olga Stefanishyna sa Kyiv. Inaasahan din na bibisitahin niya ang mga Canadian na sundalo na naka-istasyon sa Ukraine upang suportahan ang lokal na militar.

Ang amassment ng mga Russian na sundalo at equipment sa Ukraine ay nilalagay sa panganib ang seguridad sa buong rehiyon. Ang mga agresibong aksyon na ito ay dapat pigilan, ani Joly sa isang media statement.

Ang Canada ay makikipagtulungan sa international partners nito upang mapanatili ang internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga tuntunin at mapreserba ang karapatang pantao at dignidad ng Ukrainians.

Nagpadala ng mahigit 100,000 na tropa ang Kremlin sa kanilang border sa Ukraine, na nagbunsod ng mga babala na maaaring maglunsad ng pagsalakay si Russian President Vladimir Putin sa mga darating na linggo.

Sinabi ng U.S. intelligence officials noong Biyernes na ang Russia ay naghahanda para sa posibleng pagsalakay.

Dumating ang babala na iyon matapos sisihin ng Ukraine ang Russia para sa cyberattack laban sa websites ng kanilang gobyerno.

Nangako ang Canada na susuportahan ang mga hakbang upang pigilan ang posibleng pag-atake, kasama ang sanctions laban sa Russia.

Makikipagkita rin si Joy sa mga foreign affairs minister ng France at Belgium sa kanyang pagtigil sa Paris at Brussels.

Umalis si Joly noong Linggo, Enero 16 at planong bumalik sa Enero 22.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita