1. Home
  2. Politika
  3. Katutubo

Canada naglaan ng $40B para sa Indigenous child welfare compensation

Iko-cover ng pera ang utos ng Canadian Human Rights Tribunal, class actions at ang pangmatagalan na reporma

Mga bata na naglalaro sa kanal na puno ng tubig.

Ang Indigenous na mga bata ay naglalaro sa kanal na puno ng tubig sa northern Ontario First Nations reserve noong Abril 19, 2016.

Litrato: La Presse canadienne / Nathan Denette

RCI

Ang gobyerno ng Canada ay magtatabi ng $40 bilyon ayon sa kanilang fall economic update para sa First Nations child welfare habang nagpapatuloy ang pag-uusap sa pag-aayos ng compensation claims.

Iko-cover ng pera ang gastos sa pag-aayos ng utos ng Canadian Human Rights Tribunal (bagong window), dalawang class action lawsuits at pangmatagalan na reporma sa Indigenous child welfare system sa loob ng limang taon, ayon sa isang source na may kaalaman ukol sa mga negosasyon.

Sinabi ng dalawang sources sa CBC News na ibabalita ng gobyerno ang kanilang mga plano ngayong hapon. Ang Globe and Mail ang unang nag-ulat ng development ngayong araw.

Ang alok ay hindi kumakatawan sa final agreement, ang mga partido ay mayroon hanggang Disyembre 31 upang gawin itong pinal.

Abangan ang iba pang detalye.

Isang artikulo ni Olivia Stefanovich (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita