1. Home
  2. Politika
  3. Katutubo

Indigenous delegates ipinagpaliban ang pagbisita sa Vatican dahil sa pandemya

Inihayag ng Assembly of First Nations ngayong Martes na ang mga pagpupulong sa Vatican ay ipinagpaliban

Nagmimisa si Pope Francis.

Pope Francis nagmimisa sa St. Peter's Basilica sa Vatican City noong Hunyo 6 (archives).

Litrato: (Giuseppe Lami/AFP/Getty Images)

RCI

Ang anunsyo ay ginawa sa Ottawa sa isang special chiefs assembly.

Sinabi ni Assembly of First Nations National Chief RoseAnne Archibald ngayong araw na ipinagpaliban ng Indigenous delegation ang pagbisita sa Vatican na nakaplano sa susunod na linggo dahil sa kanilang mga alalahanin tungkol sa omicron variant — ngunit sinabi ng sources ng CBC News na ang final decision ay hindi pa nagagawa.

Close up ni RoseAnne Archibald.

Assembly of First Nations National Chief RoseAnne Archibald (archives).

Litrato: The Canadian Press / DARRYL DYCK

Ang mga delegado ay magkakaroon dapat ng mga pribadong pagpupulong kasama si Pope Francis mula Disyembre 17 hanggang 20 upang ilatag ang groundwork para sa kanyang pagbisita sa Canada na hindi pa naka-iskedyul.

Inanunsyo ni Archibald ang postponement sa isang talumpati ngayong umaga sa mga First Nation chiefs na dumalo sa winter meeting ng Assembly of First Nations.

Ang kalusugan at wellbeing ng ating mga delegado, ang kanilang pamilya at komunidad ang pinakamahalaga sa atin, at hindi natin hahayaan na sila ay mapahamak kung may magagawa naman tayo tungkol dito, ani Archibald.

Samantala ang Canadian Conference of Catholic Bishops ay makikipagkita sa kanilang Indigenous partners upang magkaroon ng final decision tungkol sa pagbisita, ayon sa public relations director na si Neil MacCarthy ng Archdiocese of Toronto.

Ang mga delegado na nakatakdang bumiyahe patungong Roma ay sinabi ang kanilang mga alalahanin tungkol sa posibleng health risks para sa vulnerable participants, lalo na ang elders.

Nag-alala rin sila tungkol sa mga travel complications na maaaring lumitaw, lalo na’t ang mga pagpupulong ay nakatakdang isagawa ilang araw bago ang holidays.

Wala pang petsa na naitakda para sa bagong meetings.

Sinabi ni Roman Catholic Archbishop of Regina Donald Bolen sa CBC News na kompartable siya sa ideya ng pagbibiyahe sa panahong ito ngunit naiintindihan ang health concerns ng Indigenous delegates.

Ang mga relasyon ay pinapalakas, ang mga boses ng survivors ay naririnig, ang mga pagdurusa na naranasan sa residential schools ay kinikilala sa mas malaking paraan kaysa dati, ani Bolen.

Ako ay lubos na umaasa na ang trabaho para sa truth and reconciliation ay nagpapatuloy, at siyempre maaari itong ipagpatuloy.

Plano ng mga delegado na manawagan sa Santo Papa na personal na humingi ng paumanhin para sa papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko sa pagpapatakbo ng residential schools.

Tatlong magkakahiwalay na delegasyon na kumakatawan sa First Nations, Inuit at Métis ang makikipag-usap dapat sa Santo Papa sa loob ng isang oras bawat grupo at susundan ng final meeting kasama ang lahat ng delegado para marinig ang kanyang tugon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naantala ang pagbisita sa Santo Papa. Ang mga pagpupulong ay naurong ng magkaroon ng pandemya.

Isang artikulo ni Olivia Stefanovich (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita