1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Canada nagdagdag ng 154,000 jobs noong isang buwan, pinababa ang jobless rate sa 6%

Ang ekonomiya ng Canada ay mayroon na ngayon 200,000 na mas maraming trabaho kaysa bago mag-pandemya

Isang staff wanted sign ipinaskil sa bintana ng restaurant.

Nagdagdag ang ekonomiya ng Canada ng mas maraming trabaho kaysa inaasahan noong isang buwan, habang ang service sector at goods-producing industries ay parehong nagkaroon ng malaking demand para sa mga manggagawa.

Litrato: Bloomberg / Chris Ratcliffe

RCI

Nagdagdag ang ekonomiya ng Canada ng 154,000 na bagong trabaho noong nakaraaang buwan, nilampasan ang dating expectations at pinababa ang jobless rate sa anim na porsyento.

Iniulat ng Statistics Canada ngayong Biyernes na ang jobless rate ay bumaba ng 0.7 percentage points, sa anim na porsyento. Ito ang pinakamababang jobless rate mula noong nagsimula ang pandemya. Bago mag-COVID-19, noong Pebrero 2020, ang jobless rate ng Canada ay nasa 5.7 porsyento.

Kinalkula ng data agency na mahigit 19.3 milyon na tao sa Canada ang may trabaho noong nakaraang buwan. Mas marami iyon ng 183,000 kaysa pre-pandemic.

Ang job surge ay nangangahulugan na ang total number of hours na trinabaho ay tumaas na ulit sa kung nasaan ito bago mag-pandemya.

Oras na trinabaho at suweldo, tumaas din

May magandang balita rin tungkol sa suweldo, kinalkula ng data agency na ang suweldo noong buwan na iyon ay 7.7 porsyento na mas mataas kaysa noong nakalipas na dalawang taon.

Ang average hourly wage ay $30.40 nitong Nobyembre. Mataas ng $2.18 sa parehong period noong nakalipas na dalawang taon.

Bagama’t ang mas mataas na sahod ay maganda para sa mga manggagawa, ang cost of living ay mabilis ding tumataas. Ang mas malaking paycheques ay binabawian naman ng mga presyo na tumaas ng 5.3 porsyento kumpara sa kung ano ito dalawang taon na ang nagdaan, ayon sa datos ng Statistics Canada.

Sinabi ni Tanya Gullison, chief revenue officer ng employment firm na LHH, na ang mga tao ay bumabalik sa workforce dahil kailangan nila ng pera upang bayaran ang mas tumaas na presyo ng lahat ng bagay.

Ang inflationary pressure ay nagpapabalik sa mga manggagawa sa labour force na naghahanap ng dagdag na kita, aniya. Ang mga empleyado ay nina-navigate din ito sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod, gaya ng nakikita natin south of the border.

Maganda rin ito para sa mga nagpapalit ng trabaho. Sinabi ng Statistics Canada na ang average na pagtaas ng sahod ay tumataas sa mas mabilis na rate para sa new hires kaysa sa existing na mga manggagawa.

Sa susunod na fiscal year, ang mga bonus at iba pang perks ay magiging paraan upang akitin ang bagong talent at panatilihin ang existing staff, ani Gullison.

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita