1. Home
  2. Politika
  3. LGBTQ+ Community

Bill sa conversion therapy pumasa sa House of Commons na walang tumutol

Ang practice - na naglalayong baguhin ang sexual orientation ng isang tao - ay hindi na pinaniniwalaan

Mga lalaki na nakikipagkamay sa isa't isa.

Justice Minister David Lametti, Tourism Minister Randy Boissonnault at Prime Minister Justin Trudeau nakipagkamay sa Conservative MPs, kasama ang party leader na si Erin O'Toole matapos ang botohan.

Litrato: (Adrian Wyld/The Canadian Press)

RCI

Ang updated bill ng pederal na gobyerno na nagbabawal sa practice ng conversion therapy ay pumasa na sa House of Commons na walang tumutol.

Bumoto ang mga MP upang i-fast track ang Bill C-4 noong Miyerkules ng hapon. Dumagundong ang masigabong palakpakan sa House matapos ang botohan at ng kinamayan ng Liberal cabinet ministers - at sa ilang pagkakataon - niyakap ang kanilang Conservative counterparts.

Ang mosyon na i-fast track ang bill ay nagmula kay Conservative MP Rob Moore at ngayon aakyat na ito sa Senado.

Isang fantastic na araw, sinabi ni Justice Minister at Attorney General David Lametti sa mga reporter matapos ang botohan. Ito ang puwede nating gawin kapag nagtatrabaho ng sama-sama ang Parlamento.

PANOORIN | House of Commons ipinasa ang bill na nagbabawal sa conversion therapy:

Kasama ni Lametti ang ilang Liberal MPs na miyembro ng LGBTQ community sa Canada. Ang grupo ay nagsalita rin sa naging emosyonal at masayang news conference.

"Pinangarap ko na isang araw ang mga isyu ng LGBTQ2 ay hindi na magiging political footballs. At mas malapit na tayo ng isang araw sa future na iyon," ani MP Randy Boissonnault.

Sinabi naman ni MP Seamus O'Regan na ang buong suporta para sa bill ay isang malaking sorpresa para sa minority Liberal government.

"Hindi mo talaga alam kung ano ang aasahan mo kapag nagtrabaho ka sa ganitong lugar," ani O'Regan. "Hindi namin ito nakita, ngunit ako ay talagang nagagalak."

Ang fast-tracking, 'di na kailangan ng recorded vote

Habang makailang beses pinasalamatan ng Liberal MPs ang mga pinuno ng Conservative caucus dahil sa pagsuporta nila sa bill, binanggit ng ilan na ang pagkakaroon muli ng botohan ay makakasama sa mga Tories. Tories ang tawag sa mga miyembro ng Conservative Party ng Canada.

Ang desisyon ng House of Commons na i-fast track ang Bill C-4 ay nangangahulugan na wala ng requirement upang i-record ng bawat MP ang kanilang boto.

Sinabi ni Conservative Leader Erin O'Toole, na mas progresibo na ang pananaw sa LGBTQ issues mula ng naging pinuno, noong Miyerkules na papayagan niya ang kanyang caucus na bumoto ng malaya - kahit na 62 na Conservative MPs ang bumoto laban sa naunang bersyon ng bill.

"Sa palagay ko ang mga tao sa bansang ito ay ayaw na maging on the record sa pagtutol sa LGBTQ2 issues," ani Boissonnault.

PANOORIN | Liberal cabinet ministers sa approval ng conversion therapy bill:

Sinabi ni Conservative House Leader Gérard Deltell na ang pagboto ay sumasalamin sa pagnanais ng kanyang partido na ibalik ang lehislasyon na kinupkop ng dating Parlamento.

Sinusuportahan ito ng mga tao, gusto namin maibalik ang bill kung nasaan ito anim na buwan na ang nakaraan, aniya, sinisi rin niya ang desisyon ni Prime Minister Justin Trudeau na tumawag ng maagang eleksyon sa pagkamatay ng dating bill.

Kaya ngayon ang ginagawa lang namin ay ilagay ito kung nasaan siya anim na buwan na ang nakaraan.

Suwerte ang ikatlong pagkakataon

Ang conversion therapy, na naglalayong baguhin ang sexual orientation ng isang indibidwal o gender identity, ay hindi na pinaniniwalaan at tinitingnan na isang harmful practice.

Noong unang bahagi ng linggong ito, ipinakilala ng Liberals ang lehislasyon sa ikatlong pagkakataon sa House of Commons para gawing criminal offence ang practice sa Canada.

Namatay ang unang bill dahil sinuspinde ang Parlamento noong 2020.

Ang pangalawang bersyon ay ipinakilala matapos hindi makapasa sa Senado bago na-clear ang legislative agenda ng pagtawag ni Trudeau ng eleksyon noong huling tag-araw.

Noong mga panahon na iyon, iginiit ng ilang Conservative MPs na ang wording ng bill ay masyadong malawak at sinabi na maaaring i-criminalize nito ang pag-uusap tungkol sa seksuwalidad sa pagitan ng mga anak at magulang o religious leaders.

Ang botohan ay naharap sa backlash, at sinabi ng mga kritiko na nabigo si O’Toole na panindigan ang kanyang progresibong retorika sa mga isyu ng LGBTQ.

Kinumpirma ng tagapagsalita ni O’Toole na si Josie Sabatino na pahihintulutan muli ni O’Toole ang malayang pagboto ngunit idinagdag na matagal na siyang ally ng LGBTQ community at patuloy na susuportahan ang efforts upang i-ban ang conversion therapy.

Ang pagpapahintulot sa mga MP na bumoto sa mga usapin ng konsensya ang naging posisyon ni O’Toole mula nang siya ay maging lider ng partido. Kabilang sa Conservative caucus ang malaking numero ng mga MP na mula sa social conservative wing ng partido.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng New Democrats na lahat ng mga MP ng partido ay boboto pabor sa ban.

Isang artikulo ni Nick Boisvert (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa The Canadian Press.

Mga Ulo ng Balita