1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

British Columbia naghahanda para sa pagdating ng ikatlong bagyo

Ang huli sa tatlong Pacific weather systems ay maaaring magdala ng 100 mm ng ulan sa binahang Fraser Valley

Mga sundalo at tao na naglalagay ng sandbag sa isang lugar.

Ang mga miyembro ng Armed Forces ng Canada sa Abbotsford, B.C. ay tumulong sa mga residente noong Sabado na maglagay ng mga sandbag sa isang lugar na binaha na dati dahil sa pag-apaw ng Nooksack River sa Washington state.

Litrato:  CBC / Janella Hamilton

RCI

Ang ikatlo sa serye ng malalakas na bagyo ay paparating sa British Columbia habang ang probinsya ay inaalam ang pinsala sa buong Lower Mainland at southern Interior na dulot ng mga nakalipas na weather events.

Ang cleanup ay nagsimula na matapos maganap ang nakakapinsalang mga pagbaha at nakamamatay na mudslides noong Nobyembre 13-15 na sanhi ng isang atmospheric river system. Tatlong weather systems pa ang na-forecast na tatama sa probinsya, ang pangalawa rito ay nagbunsod ng mas maraming evacuation orders at road closures noong weekend.

Ang pangatlo ay inaasahang darating sa British Columbia sa Martes habang nagbabala ang mga opisyal na ito marahil ang pinakamalala sa tatlo.

Nag-isyu ang Environment Canada ng serye ng special weather alerts (bagong window) para sa timog-kanlurang bahagi ng British Columbia at mga baybayin nito. Hanggang 100 millimetres ng ulan ang inaasahan na bubuhos sa Fraser Valley mula Martes hanggang Miyerkules kaakibat ang malakas na hangin na hanggang 60 km/h. Ang mga lugar sa Vancouver Island at Central Coast ay makakakita ng hanggang 200 millimetres ng ulan.

Nooksack River banta sa Abbotsford

Ang Fraser Valley ang binaha nang husto at noong Linggo, marami pang residente sa Abbotsford ang inutusan na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na banta.

Ang mga crew sa siyudad, kasama ang mga miyembro ng Canadian military, ay nagtrabaho magdamag upang mag-pump ng tubig sa tiger dams para subukang pigilan ang tubig baha mula sa Sumas River. Ang tiger dam ay isang serye ng water-filled tubes na mahigit isang metro ang haba na ginagamit para makagawa ng isang barrier.

Nagpa-pump kami ng isang bilyong galon ng tubig kada araw, ani Abbotsford Mayor Henry Braun sa The Early Edition (bagong window) noong Lunes.

Sinabi ni Braun na ang kanyang worst nightmare ay kung ang Nooksack River sa Washington state ay tuluyan nang sisirain ang mga dike sa Abbotsford.

Umapaw na ilog.

Ang Nooksack River ay umapaw sa litrato na ito na kuha mula sa Whatcom County, Wash., noong Nobyembre 20, 2021.

Litrato:  (Twitter ) / Whatcom County Government/

Sinabi niya na ang 17 kilometro ng dike ng siyudad ay nakumpuni na at pinatibay mula noong napinsala ito nitong buwan, ngunit hindi positibo ang alkalde kung sapat na ito upang pigilan ang Nooksack.

Kapag nasira na ito, magkakaroon ka ng tatlong palapag na wall ng tubig, aniya, tinutukoy niya ang huling pagkakataon na umapaw ang ilog na ito sa Estados Unidos at tumawid sa border.

Sinabi ni Braun na nitong Lunes bago 8 a.m., ang tubig ay humigit-kumulang 20 centimetres na ang lalim at tumatawid na sa border papasok ng Sumas Prairie area ng Abbotsford na matinding nabaha matapos ang bagyo noong Nobyembre 13-15.

Sinabi ng staff ng siyudad ng Abbotsford na palagi nilang kausap ang mga counterparts sa Whatcom County sa kabilang panig ng border na mino-monitor din ang Nooksack, ani Braun.

Noong Linggo ng gabi, ang Distrito ng Hope, mga 155 kilometro silangan ng Vancouver, ay nagdeklara ng state of local emergency (bagong window) at inilagay ang mga tahanan sa Riverview Drive sa ilalim ng evacuation alert.

Ang ibig sabihin ng evacuation alert ay dapat handa ang mga residente na lumikas mula sa kanilang mga bahay kaagad. Ang ibig sabihin naman ng evacuation order ay dapat lumikas na kaagad ang mga residente.

Kinansela (bagong window) ng University of the Fraser Valley ang lahat ng in-person classes para sa susunod na linggo.

Sinabi ng Abbotsford School District (bagong window) na ang Robert Bateman Secondary at W.J. Mouat Secondary schools ay mag-aalok ng virtual learning para sa linggong ito, habang ang lahat ng ibang district schools ay papasok in person.

Noong Linggo, nag-isyu ang River Forecast Centre ng British Columbia ng flood warning para sa Coquihalla River at Sumas River (bagong window) na nakakaapekto sa Sumas Prairie at mga karatig-lugar.

Binago rin nito ang flood watch patungo sa warning (bagong window) para sa Tulameen River, Coldwater River at Lower Nicola River.

Ang ibig sabihin ng flood warning ay ang lebel ng ilog ay lumampas na sa pangpang at ang pagbaha sa mga katabing lugar ay tiyak na magaganap.

Hwy 1 sarado, non-essential travel hindi hinihikayat

Noong Linggo ng 5 p.m., isinara ng probinsya ang Highway 1 sa pagitan ng Abbotsford at Chilliwack dahil sa epekto ng mga pag-ulan noong weekend. Hindi sinabi ng opisyal kung kailan magbubukas muli ang daan.

Hindi hinihikayat ni British Columbia Public Safety Minister Mike Farnworth ang non-essential travel sa mga darating na araw habang ang probinsya ay naghahanda para sa pangatlong bagyo.

Sinabi ni Farnworth na ayaw magpatupad ng gobyerno ng anumang unnecessary road closures na lalong pahihirapan ang pagtawid ng mga resources.

Ang mga tao na kailangang magbiyahe ay dapat magmaneho ng maingat at huwag subukan na tumawid sa tubig baha dahil ang lalim nito ay hindi palaging halata, aniya.

Dagdag pa niya ang mga tao ay dapat maghanda para sa emergency sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain, tubig, damit, blanket at emergency kits sa kanilang mga sasakyan.

PANOORIN | Kung ikaw ay nagmamaneho, narito kung paano maghanda para sa isang emergency:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita