1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Kalusugan

Canada susuportahan ang plano para sa isang international pandemic treaty

Ang ideya ay upang maiwasan ang isa pang pandaigdigang krisis tulad ng COVID-19

Mga health-care workers na nag-uusap sa loob ng paliparan.

Ang isang espesyal na pagpupulong ng World Health Assembly ay magaganap ngayong Lunes upang pag-usapan ang pandemic preparedness.

Litrato: Reuters / Amir Cohen

RCI

Sinabi ni Health Minister Jean-Yves Duclos na susuportahan ng Canada ang development ng isang bagong global convention sa pandemic preparedness and response na pagdedebatihan sa isang espesyal na pagpupulong ng World Health Assembly ngayong araw.

Ito pa lang ang pangalawang pagkakataon sa kasaysayan na magdadaos ng ganitong uri ng emergency summit ang grupo.

Kung magkakasundo ang mga bansang kasapi, ang assembly ay magde-develop ng isang international treaty tungkol sa pandemic preparedness.

Ang ideya ay upang maiwasan ang isa pang pandaigdigang krisis tulad ng COVID-19 at ang mga bagong, mas nakakahawang variants.

Sinabi ni Duclos, na magsisilbi bilang pangunahing delegado ng gobyerno ng Canada, na ang convention ay makakatulong sa mga bansa na makipagtulungan at pahintulutan ang Canada na mas madaling ibahagi ang kadalubhasaan nito sa buong mundo.

Jean-Yves Duclos.

Ang health minister ng Canada na si Jean-Yves Duclos. (Archives)

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

Ang working group ng World Health Organization sa likod nito ay sinabi na ang mga gobyerno ay dapat tingnan ang pagde-develop ng convention kasabay ang efforts upang palakasin ang kasalukuyang International Health Regulations.

Isang artikulo ni Laura Osman (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita