1. Home
  2. Politika
  3. Pangmunisipal na Politika / Municipal Politics

Calgarians nahaharap sa halos 4% tax hike matapos aprubahan ng konseho ang 2022 budget

Sinabi ng siyudad na ang municipal property tax rate ay tataas ng humigit-kumulang $6.20 kada buwan

Jyoti Gondek sa podium.

Jyoti Gondek, alkalde ng Calgary sa probinsya ng Alberta. (Archives)

Litrato: Radio-Canada / Louise Moquin

RCI

Ang mga Calgarians ay nahaharap sa mas mataas na buwis sa susunod na taon, halos 4 na porsyento.

Natapos na ang annual budget debate ng city council noong Miyerkules at inaprubahan ang tax rate increase ng $3.87 per cent para sa susunod na taon sa municipal portion ng property tax bills.

Dumating ito habang pinapalakas ng konseho ang pondo para sa mas abot-kayang pabahay, dagdag na peace officers para sa Calgary Transit at pagtaas ng pondo para sa snow at ice kontrol ng siyudad.

Sinabi ni Mayor Jyoti Gondek na ang pagtaas sa pondo ay repleksyon ng kung ano ang narinig ng bagong konseho sa bawat pintuan noong election campaign, kasama ang iba’t ibang uri ng serbisyo na inaasahan ng Calgarians mula sa kanilang bagong konseho.

Nagkaroon kami ng mga interesting na pag-uusap bilang isang konseho sa nakalipas na apat na linggo… ang nakita natin ngayong araw ay ang level ng conviction mula sa konsehong ito na siguraduhin na tayo ay tumutulong sa mga taong nasa posisyon ng vulnerability, na tayo ay mananatiling totoo sa ating mga aksyon na dadalhin natin sa rekonsilyasyon, aniya.

Inaprubahan ng konseho ang pagtatabi ng $11 milyon upang bumili ng lupa para sa Indigenous gathering place, na makakatulong sa siyudad na tuparin ang kanilang mga pangako bilang tugon sa report ng Truth and Reconciliation Commission.

Sinabi ni Gondek na ang bagong konseho ay nakikita na ang dating mga hakbang sa pagtitipid ay inilagay tayo sa isang delikadong posisyon.

'Mahirap ibenta'

Ani Ward 13 councillor Dan McLean sinabi sa kanya ng mga residente na gusto nila ng freeze sa buwis, ngunit may ibang bagay na kakailanganin daw niya ng suporta.

Hindi natin iyon mararating, mahirap ito, aniya. Mas tataas ang babayaran ng mga tao, at mahihirapan tayong ibenta ang ideya na iyon.

Noong Miyerkules, na-finalize din ng konseho ang:

  • Dagdag na financial support para sa climate action policies.

  • Dagdag na $2 milyon para sa Calgary Arts Development Authority.

  • Ang pagha-hire ng karagdagang bumbero at anim na bagong training officers sa Calgary Fire Department.

  • Paglalagay ng pondo sa office conversion projects downtown.

Sa isang pahayag, sinabi ng siyudad na tataas ang municipal property tax rate ng humigit-kumulang $6.20 kada buwan para sa tipikal na single residential property.

Bumoto ang konseho 11 laban sa 4 para sa final amended budget motion.

Kasama sa mga pagbabago sa naaprubahang budget ang mahigit $60 milyon na spending reductions na nahanap sa pamamagitan ng corporate savings program.

Ang tax rate para sa susunod na taon ay hindi pa mapa-finalize hanggang sa spring dahil kailangan maghintay ng siyudad para malaman ang hinihingi ng probinsya para sa education portion ng property taxes.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Scott Dippel.

Mga Ulo ng Balita