1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika / Provincial Politics

British Columbia ilalabas ang plano para sa permanenteng sick leave program

Iaanunsyo ng labour minister at provincial health officer ang mga detalye ngayong tanghali

Isang babae sa harap ng computer na hawak ang kanyang ulo sa sakit.

Sinabi ng provincial government na kalahati ng mga empleyado sa British Columbia ay walang access sa paid sick leave.

Litrato: Shutterstock / fizkes

RCI

Inaasahan ang gobyerno ng British Columbia na maglalabas ng mga detalye tungkol sa isang paid sick leave program para sa mga manggagawa ngayong Miyerkules.

Naka-iskedyul na humarap sa news conference si Labour Minister Harry Bains kasama si Provincial Health Officer Dr. Bonnie Henry tungkol sa permanenteng programa ukol sa sick leave na ipinangako noong Enero.

Noong Mayo, nagbigay ang probinsya sa lahat ng manggagawa ng hanggang tatlong araw ng paid sick leave (bagong window) upang suportahan ang mga taong naapektuhan ng COVID-19 hanggang Disyembre 31.

Noong panahon na iyon, sinabi ni Bains na ang bilang ng entitlement days sa ilalim ng isang permanenteng programa ay pagpapasyahan sa pamamagitan ng konsultasyon.

Sinabi ng gobyerno na humigit-kumulang kalahati ng mga empleyado sa British Columbia ang walang access sa paid sick leave.

Sa kanilang website (bagong window), sinabi ng gobyerno na inaasahan nila na ang mga bagong regulasyon ay maipapasa upang i-define ang requirements ng permanenteng paid sick leave sa Nobyembre at Disyembre.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita