1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga Insidente at mga Natural na Sakuna/Kalamidad

Malakas na bagyo patungo sa southwest B.C., binabantaan ang flood at mudslide recovery

Tinataya na hanggang 80 mm ng ulan ang bubuhos sa South Coast ng probinsya sa Huwebes

Dalawang lalaki na naglululan ng sandbags sa isang jet boat sa gitna ng baha.

Ang mga community volunteers ay naglululan ng sandbags sa jet boats noong Biyernes na dinala sa mga farms sa Yarrow, B.C., na nasa Sumas Prairie flood zone silangan ng Vancouver.

Litrato: CBC / Ben Nelms

RCI

Habang sumusulong ang British Columbia sa pagbangon mula sa matinding pagbaha na pinuwersa ang libo-libong tao na lumikas mula sa kanilang mga tahanan noong nakaraang linggo, tinataya ang isang serye ng mga bagyo na maaaring pigilan ang progreso na iyon.

Sinabi ni Environment and Climate Change Canada meteorologist Armel Castellan na ilang bagyo ang patungo sa timog-kanlurang bahagi ng probinsya, ang una ay inaasahan na darating sa Huwebes. Bagama’t ang pagbuhos ng ulan ay hindi magiging kasing lakas noong nakaraang buwan, sinabi ni Castellan na maaari nitong palalain ang mga kahinaan sa ground sa kasalukuyan.

Tinataya ng Environment Canada na hanggang 80 millimetres ng ulan ang bubuhos sa North Shore mountains at Howe Sound, gayundin sa Fraser Valley, na dumanas ng matinding pagbaha (bagong window).

Ang snowfall warning ay ipinapatupad sa Coquihalla Highway sa pagitan ng Hope at Merritt, na kasalukuyang sarado dahil sa pinsala na dulot ng bagyo noong Nobyembre 13-15. Hanggang 30 centimetres ng yelo ang maaaring bumagsak sa rehiyon pagsapit ng Martes ng tanghali.

Isang bagyo ang tinataya na darating Sabado ng hapon.

Lahat ng ulan na ito ay babagsak sa lupa na saturated na, ibig sabihin mas malaki ang tsansa na umagos ang tubig mula sa bundok at maging sanhi ng mga pagbaha at mudslide.

Ilang residente ng Merritt uuwi na sa kanilang bahay ngayon

Ang siyudad ng Merritt ay naglabas ng plano na ina-outline kung paano at kailan makakauwi ang mga residente na inutusang lumikas noong Nobyembre 15 nang lumubog sa tubig baha ang siyudad.

Ang unang evacuation order ay inaasahan na tatanggalin ngayong tanghali, at ang mga tao na naninirahan sa norte ng lokal na Royal Canadian Mounted Police detachment ay papayagan na umuwi sa kanilang mga tahanan.

Ang mga serbisyo ay limitado sa Merritt habang pabalik ang mga tao, ang mga residente ay nasa ilalim din ng boil water notice, ibig sabihin lahat ng tubig ay kailangan pakuluan bago ikonsumo. Dagdag pa rito, ang siyudad ay mananatili sa ilalim ng evacuation alert.

Gayunpaman, ang ilang residente ay maaaring hindi makabalik sa kanilang mga property sa mahabang panahon. Ang ilang property sa Nicola Avenue, ayon sa plano, ay naapektuhan ng pagbaha at ang iba ay hindi, kaya ang evacuation alerts ay tatanggalin on a block-by-block basis.

Ang dose-dosenang properties sa Sumas Prairie neighbourhood ng Abbotsford ay mananatili sa ilalim ng evacuation order. Ang mga nakatira sa lima pang property ay inutusan na lumikas noong Lunes ng gabi.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Karin Larsen.

Mga Ulo ng Balita