1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Real estate

Pinakaabalang taon kailanman para sa housing market, tumaas ang presyo ng 18%

Ang average selling price ng bahay ay tumaas sa $716,585 sa buong bansa

Sign na for sale sa harap ng isang bahay.

Isang bahay na ibinebenta sa Toronto. (Archives)

Litrato: Radio-Canada / Michel Bolduc

RCI

Hindi pa tapos ang taon, pero sinabi na ng Canadian Real Estate Association (CREA) na ang 2021 ang pinakaabalang taon kailanman para sa housing market ng Canada at tumaas rin sa new highs ang average selling prices.

Ang grupo na kumakatawan sa mahigit 100,000 realtors sa buong bansa ay sinabi sa isang release ngayong Lunes na ang average selling price para sa bahay na nabenta sa Multiple Listings Service ng grupo ay $716,585, 18 per cent increase kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Hindi lang presyo ang mainit. Ang sales ay tumaas din ng mahigit 8 per cent noong Oktubre mula sa lebel noong Setyembre. Ang ibig sabihin ng selling surge na ito 581,275 na bahay ang naibenta sa unang 10 buwan ng taon. Mas higit kaysa sa dating annual record na 552,423 - at mayroon pang natitirang dalawang buwan.

Pagkatapos ng summer noong mukhang kumakalma na ang housing market, sina-suggest ng mga bilang nitong Oktubre na bumabalik tayo sa nakita natin noong spring, patungkol sa kasalukuyang market demand at supply conditions, ani Canadian Real Estate Association chief Cliff Stevenson.

PANOORIN | Paano naaapektuhan ng blind bidding ang real estate market ng Canada:

Ang mga bagong listing ay kinukuha nang halos kasing bilis ng kanilang paglabas, kaya naman hindi nakakagulat na ang mga presyo ay tumataas din, ani Stevenson. Kailangan natin magpatayo ng mas maraming bahay.

Mababang interest rates patuloy na pinapalakas ang housing boom

Sa mga unang araw ng COVID-19 pandemic, ang takot at uncertainty ang nagpabagal sa housing market. Ngunit simula summer 2020, uminit na ang real estate market ng Canada at nabasag ang maraming records.

Ang policy-makers sa Bank of Canada ay pinababa nang husto ang interest rates sa record lows upang i-stimulate ang ekonomiya at ang isa sa pinakamalaking epekto ng pagkilos na ito ay ang pagsabog ng mortgage debt.

Ang average selling price noong Oktubre ay gahibla lang ang layo mula sa all-time monthly record na $716,828 na na-set noong Marso ngayong taon, nang nasa frenzied pace ang aktibidad. Noong panahon din na iyon, nag-propose ang financial regulator ng bansa na higpitan ang tinatawag na stress test level (bagong window) na nagpapahirap sa pagkuha ng approval para sa home loan. Lumamig ang mga bagay mula noon, ngunit ang selling prices at sales sa pangkalahatan ay mas mataas pa rin sa pre-pandemic levels.

Sinabi ni Jivan Sanghera, principal broker sa Circle Mortgage Group sa Burlington, Ontario, na ang buying frenzy ay sinimulang baguhin kung paano tinitingnan ng mga buyers at sellers ang merkado.

Mayroong panahon na tinitingnan pa ng mga tao ang bahay ng mahigit sa isang beses bago sila magpasya na magbigay ng offer, aniya sa interbyu ng CBC News. “Ngunit sa maraming merkado sa buong bansa, ang mentality na ito ay napalitan kung saan ang isang buyer ay bigay-todo na matapos matalo ng maraming beses sa pagbibigay ng offer.

Para talagang impyerno kung saan ang mga tao ay tumatakbo papunta sa apoy o tumatakbo palayo.

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita