1. Home
  2. Politika
  3. International Politics

Trudeau dadalo raw sa unang Three Amigos summit mula 2016, ayon sa sources

Ang proposed in-person meeting ay maaaring mangyari sa Washington sa susunod na linggo

Kinamayan ni Joe Biden si Justin Trudeau.

Sina Trudeau at Biden, magkasama sa Ottawa noong 2016, ay maaaring dumalo sa unang Three Amigos summit sa susunod na linggo.

Litrato: Reuters / Chris Wattie

RCI

Pinag-uusapan na ang pag-aayos sa isang in-person meeting sa pagitan nina Prime Minister Justin Trudeau, U.S. President Joe Biden at Mexican President Andrés Manuel López Obrador sa susunod na linggo, ayon sa senior source na may direktang kaalaman tungkol sa sitwasyon.

Ang mga pinuno ng pinakamalalaking bansa sa North America - na minsan ay tinatawag na Three Amigos - ay hindi pa nagkaroon ng pormal na trilateral summit mula nang magkaroon ng meeting sa Canada (bagong window) noong 2016.

Ang paparating na event ay magaganap sa Washington, ayon sa source, bagama’t ang mga detalye ay hindi pa napa-finalize.

Ang Reuters ang unang nag-ulat ng posibleng pagkikita ng mga naturang pinuno.

Ang meeting ang magiging unang summit ni Trudeau kasama sina Biden at López Obrador. Sina Barack Obama at Enrique Peña Nieto ang nakaupo sa presidential office ng Estados Unidos at Mexico nang huling nagkita ang mga pinuno noong 2016.

Ang proposed meeting ang magiging unang summit ng tatlong bansa simula ng sang-ayunan nila ang binagong North American trade deal na kilala sa Canada bilang CUSMA.

Ang economic tensions sa pagitan ng Canada, Estados Unidos at Mexico ay tumindi mula noong napirmahan ang kasunduan na iyon, parte ng dahilan ay ang Buy American pledge ng administrasyon ni Biden, na maaaring makasagabal sa kalakalan dahil ang mga bagong panuntunan ay pabor sa U.S. manufacturers.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Katie Simpson.

Mga Ulo ng Balita