1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Biyahe

Bukas na ang U.S. land border. Ito ang dapat mong malaman

Dapat handa ang mga biyahero na magpakita ng proof of vaccination, ngunit maaaring hindi rin ito kailanganin

Mahabang pila ng mga sasakyan sa U.S.-Canada land border.

Nagbabala ang U.S. Customs and Border Protection na maaaring magkaroon ng mahabang pila ngayong Lunes, sa pagbubukas ng U.S. land border sa fully vaccinated travellers.

Litrato: Associated Press / Elaine Thompson

RCI

Ito ang araw na hinihintay ng mga Canadians: Pagsapit ng hatinggabi ngayong Lunes, muling magbubukas ang U.S. land border sa fully vaccinated Canadian travellers matapos ang 19 na buwan na shutdown.

Nanatiling sarado ang land border ng Estados Unidos sa Canada sa non-essential travel mula magsimula ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020.

Ngunit ngayong Lunes, pinapasok na muli ng Estados Unidos ang recreational travellers na magbibiyahe by land at passenger ferry - basta’t ang mga biyahero edad 18 pataas ay fully vaccinated laban sa COVID-19. Ang mga batang biyahero ay exempted mula sa requirement na ito.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pagpunta sa Estados Unidos - at pagbalik sa Canada.

Random vaccination checks

Sinabi ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) na ang border crossings ay magkakaroon ng staff tulad ng pre-pandemic levels simula Lunes, ngunit nagbabala na baka maging mas mahaba kaysa normal ang wait times.

Para sa mga biyahero na pupunta sa Estados Unidos, hinihiling namin na pagpasensiyahan niyo ang aming officers, ani Matthew Davies, executive director ng admissibility and passenger programs ng U.S. Customs and Border Protection. Para mabawasan ang wait times at mahabang pila, hinihikayat namin ang mga biyahero na ihanda ang tamang documentation.

Ang mga biyahero na papasok by land ay hindi kailangang magpakita ng pruweba ng negatibong COVID-19 test, ngunit dapat handang patunayan ang kanilang vaccination status at ipresenta ang vaccination document kapag hiniling ng officer.

Tatanungin namin kung ikaw ay fully vaccinated, ani Jeffrety Toth, program manager ng U.S. Customs and Border Protection sa Buffalo, N.Y. division. Puwedeng hingan ka ng pruweba.

Tinanong naman ni U.S. immigration lawyer Len Saunders kung bakit pinili ng Estados Unidos na hindi automatic na itsek ang lahat ng vaccine documents ng mga biyahero.

Sa palagay ko maaari iyang abusuhin, ani Saunders. Ang opisina niya ay malapit sa Canadian border sa Blaine, Wash. Kung nire-require nila na bakunado ang mga tao, gaano ba kahirap ipakita ng isang tao ang kanyang vaccination card?

Tinanong ng CBC News ang U.S. Customs and Border Protection kung bakit ang vaccination checks ay magiging sporadic lamang. Hindi direktang sinagot ng ahensya ang tanong na ito, bagkus sinabi nila na ang vaccine documents ng mga biyahero ay itsetsek kung kailangan lamang ng karagdagang inspeksyon.

Kung nadiskubre ng officer na ang biyahero ay walang proof of vaccination, hindi siya papapasukin sa Estados Unidos, ayon sa ahensya.

Canadians kailangan pa rin kumuha ng return test

Pagbalik sa Canada, lahat ng recreational travellers edad apat pataas (bagong window) ay kailangan magbigay ng pruweba ng negatibong COVID-19 test sa loob ng 72 oras (bagong window) ng kanilang return flight o planadong pagdating sa land border.

Tatanggapin lamang ng Canada ang isang molecular test - tulad ng PCR test (bagong window) - na nagkakahalaga ng daan-daang dolyar.

Ang mga biyahero na tatawid sa Estados Unidos para sa maikling trips ay papayagan na magpa-molecular test sa Canada at gamitin ito sa kanilang pagbabalik - basta wala pang 72 hours old.

Ngunit kailangan pa rin bayaran ng mga biyahero ang test at sinasabi ng iba na ang dagdag na fee ay hindi na sulit.

PANOORIN | Canadian snowbirds handa na pumunta sa timog:

Ang mga Canadians na papasok sa Canada na hindi kukuha ng test ay maaaring magmulta ng $5,000. Ayon sa gobyerno ng Canada (bagong window), 1,708 travellers ang namultahan na.

Ang fully vaccinated Canadians na papasok sa Canada ay maaaring laktawan (bagong window) ang 14-day quarantine requirement  (bagong window)ng Canada. Ang mga batang hindi bakunado edad 12 ay maaari rin laktawan ang quarantine, ngunit hindi sila maaaring pumasok (bagong window) ng eskwelahan, camp, daycare o ng mataong lugar sa loob ng 14 na araw.

Bagong U.S. air travel rules sa Nobyembre 8

Mula nang magsimula ang pandemya, ang recreational Canadian travellers ay nakakalipad papuntang Estados Unidos. Ngunit simula Lunes, haharapin nila ang mas istriktong panuntunan (bagong window).

Ang Canadian air passengers na papasok sa Estados Unidos ay nire-require na magpakita ng pruweba (bagong window) ng negatibong molecular o antigen test na hindi hihigit sa tatlong araw bago ang kanilang departure flight.

Simula Lunes, lahat ng foreign air travellers, bukod sa kaunting exceptions, ay kailangan magpakita ng pruweba na sila ay fully vaccinated.

Ang mga bata edad 18 pababa ay exempted mula sa requirement na ito, ngunit ang mga tao sa pagitan ng edad dalawa at 17 ay ire-require na magpakita ng pruweba ng negatibong COVID-19 test.

Bahagi ng artikulo ni Sophia Harris (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita