1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Trudeau plano na pamunuan ang mga Liberal sa susunod na eleksyon

Trudeau hindi naging malinaw ukol sa kanyang political future pagkatapos ng eleksyon

Close up shot ni Justin Trudeau.

Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na plano niyang pamunuan ang mga Liberal sa susunod na halalan.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Matapos ang nakakadismayang eleksyon at isa na namang minority government para sa kanyang partido, sinabi ni Justin Trudeau noong Martes na intensyon niyang manatili bilang Liberal Party leader hanggang sa susunod na eleksyon.

Oo, ani Trudeau nang tanungin kung balak niyang dalhin ang mga Liberal sa susunod na eleksyon sa news conference na naganap noong Martes.

Ang bago niyang gabinete, na nakatayo sa likod ni Trudeau, ay pumalakpak bilang maikling tugon sa kanyang pahayag. Bahagyang huminto si Trudeau at ngumiti.

Sa unang pagkakataon, malinaw na sinagot ni Trudeau ang mga tanong tungkol sa kanyang kinabukasan bilang pinuno ng Liberal Party mula nang tumawag siya ng snap election na inilarawan ng karamihan na isang bigong sugal upang magkaroon ng majority government.

PANOORIN | Trudeau nagsalita ukol sa kanyang kinabukasan bilang Liberal leader:

Ang mga Liberal ay nanalo ng 160 seats noong Setyembre 20 na halalan - nakakuha ng tatlo pa mula sa 2019 tally ng partido ngunit kulang pa rin ng 10 mula sa 170 seats na required para magkaroon ng majority government.

Hindi naging malinaw si Trudeau tungkol sa kanyang future political plans at sinabi sa Reuters noong Enero na inaasahan niya ang marami pang taon ng pagsisilbi sa mga Canadians.

Ang pinakahuling posibleng petsa para sa susunod na eleksyon ay Oktubre 2025, base sa apat na taon na fixed election cycle.

Ngunit ang isang boto ng non-confidence sa House of Commons ay maaaring maging sanhi ng pagbagsak ng gobyerno ng mas maaga. Puwede ring tumawag ng isa pang snap election si Trudeau.

Sinabi ng Liberal sources sa CBC News na inaasahan nila ang 18 hanggang 24 na buwan ng pamumuno bago bumalik ang mga Canadians sa presinto.

Isang artikulo ni Nick Boisvert (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita