1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Climate Change / Pagbabago ng Climate

B.C. inanunsyo ang detalye ng bagong climate strategy bago ang COP26 conference

Ilalabas ni Premier John Horgan ang mga detalye ng CleanBC Roadmap sa 2030

Close up ni John Horgan.

British Columbia Premier John Horgan. (Archives)

Litrato: Radio-Canada / MIKE MCARTHUR/CBC

RCI

Iaanunsyo nina Premier John Horgan at Environment and Climate Change Minister George Heyman ang mga detalye ng climate strategy ng gobyerno ng British Columbia sa Victoria ngayong araw.

Ang mga detalye sa tinatawag na CleanBC Roadmap sa 2030 ay nakatakdang ilabas 12 ng tanghali PT.

Ang plano ay ilalabas bago maganap ang COP26, ang paparating na United Nations conference tungkol sa climate change na magsisimula sa Glasgow, Scotland sa Oktubre 31.

Ang CleanBC program ay unang ipinakilala noong 2018 upang i-promote ang paggamit ng mas malinis na fuel at energy sources sa lahat ng sektor.

Ipinokus ng epekto ng climate change ang atensyon ng British Columbia sa isyung ito noong nakaraang tag-araw dahil naranasan ng probinsya ang record-breaking na temperatura dahil sa heat dome, na inilarawan bilang pinakanakamamatay na weather event sa kasaysayan ng Canada (bagong window).

Sa pagitan ng Hunyo 25 at Hulyo 1, ang temperatura ay tumaas sa mahigit 40 C sa maraming parte ng probinsya na naging direktang sanhi ng pagkamatay (bagong window) ng 570 atao sa British Columbia.

Kinikilala ng mga health leaders na marami pa ang dapat gawin upang makapaghanda para sa extreme weather events.

Ang heat dome ay tinawag na isang ‘one-in-a-thousand-year’ event, ngunit siyempre nangyari ito sa ating panahon, ani Health Minsiter Adrian Dix na nagsalita sa harap ng Union of B.C. Municipalities noong Setyembre.

At binigyan tayo ng obligasyon na i-develop at dagdagan ang ating kolektibong resiliency.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita