1. Home
  2. Agham

Proposed wind farm tinutulan ng ilang Alberta landowners

Nagsasagawa ng hearing ang Alberta Utilities Commission ukol sa Vulcan County project

Wind turbine sa harap ng mga bulubundukin.

Halos matakpan ng malaking wind turbine na ito ang isang grain elevator sa Alberta.

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh

RCI

Isinasagawa ang hearing upang malaman kung aaprubahan ng Alberta Utilities Commission (AUC) ang pangunahing wind farm sa Vulcan County; gayunpaman tinututulan ang naturang proyekto ng ilang residente.

Kung maaaprubahan, magtatayo ang Buffalo Plains Wind Farm ng 83 wind turbines sa 17,500 ektaryang bukid na pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal malapit sa Lomond, Alberta, 175 kilometro sa timog-silangang Calgary.

Ito ang magiging pangatlong pangunahing green energy development sa lugar at inaasahan na magdadala ng mas maraming tax revenue at trabaho sa area.

Ayon sa developer na ABO Wind makakakuha ng royalties ang landowners, ngunit hindi pa rin masaya ang mga residente.

‘Halos nasa labas na ng pintuan’

Ipinahayag ni Lavinia Henderson na bahagi ng Lomond Opposing Wind Projects ang kanyang pagtutol sa isang public hearing noong Huwebes.

Ang proyekto raw ay halos nasa labas na ng aming pintuan, habang tinutukoy ang bukid ng kanyang pamilya.

Mayroong 26 wind turbines sa magkabilang gilid, ani Henderson sa Calgary Eyeopener (bagong window) noong Huwebes.

Nakalinya ito sa row na tinatawag naming kalahati ng section, kaya dalawa itong malaking bahagi ng lupain. At ang pangatlo ay mahigit isang libong metro ang layo mula sa bahay ng aking ina.

Bukod sa nakakasagabal ito sa kanilang view, sinabi ni Henderson na maaaring maingay ang mga turbines.

Kapag namumuhay ka sa isang napakatahimik na lugar… masasanay ka rito.

Ang mga turbine sa proposed project ay magiging mas malaki kaysa sa iba, halos 200 metro ang taas nito. Ang Calgary Tower, bilang reference, ay 191 metro.

May iba pang alalahanin si Henderson kasama riyan ang epekto na tinatawag na shadow flicker, na nangyayari kapag ang araw ay nagka-cast ng moving shadow kapag sinisikatan nito ang mga umiikot na blade.

Umaasa siya ngayon na maririnig ang mga alalahanin ng grupo.

Sinabi ng ABO Wind spokesperson na hindi sila puwedeng magkomento habang isinasagawa ang hearing.

Gayunpaman, sinabi ng Alberta Utilities Commission na ang social, economic at environmental effects ay isinasaalang-alang kapag tinitingnan ang mga ganitong proyekto.

Ang desisyon ay inaasahan na darating sa Pebrero.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita