1. Home
  2. Politika
  3. Public Health / Pampublikong Kalusugan

Ontario tatanggalin ang capacity limits para sa restaurants, bars at gyms sa Lunes

Magkakaroon ng news conference si Premier Doug Ford ngayong Biyernes

Isang babae na nagse-serve ng pizza sa mga kostumer ng restaurant.

Sinabi ng isang senior Ontario government official sa CBC News na simula Lunes, Oct. 25, ang mga negosyo tulad ng bars, restaurants at fitness centres ay maaari ng luwagan ang COVID-19 capacity restrictions.

Litrato: Radio-Canada / Olivier Plante

RCI

Pahihintulutan ng Ontario ang mga negosyo tulad ng restaurants, bars at fitness centres na tanggalin ang COVID-19 capacity limits simula Lunes, sinabi ng isang source mula sa gobyerno sa CBC News.

Ang senior government official, na hindi awtorisado na magsalita sa publiko at nakipag-usap sa CBC News sa kondisyon ng anonymity, ay sinabi na inaprubahan ng gabinete ni Premier Doug Ford ang mga pagbabagong ito noong Huwebes.

Si Ford ay naka-iskedyul na magkaroon ng news conference kasama si Dr. Kieran Moore, chief medical officer of health, ngayong araw upang ilahad ang mga detalye ng plano.

Sinabi ng source na si Ford at ang mga ministro ay inaprubahan ang aksyong ito matapos makontento si Moore na hindi nagkaroon ng surge sa infections pagkatapos ng holiday weekend.

Sinabi ni Dr. Moore noong nakaraang linggo na gusto niyang makita ang epekto ng Thanksgiving, ayon sa source.

Ngayong tapos na ang incubation period at walang naging increase sa cases, tiwala kami na maaari ng mag-proceed sa phased plan para magbukas ng ligtas.

Ang Ontario ay nasa Step 3 ng tinatawag ng gobyerno na Roadmap to Reopen (bagong window) mula pa noong kalagitnaan ng Hulyo. Noong nakaraang Miyerkules, iniulat ng CBC News na ang estratehiya ng probinsya upang tanggalin ang pandemic restriction ay ilalahad ngayong linggo.

Sinabi ni Ford na ang bagong plano ay magbibigay ng long-term vision at kasama ang pag-a-apply ng anumang bagong tailored restrictions at mga lokal na paraan na ang layunin ay iwasan ang karagdagang shutdowns.

Sa ngayon, ang fitness centres sa Ontario ay limitado sa 50 per cent capacity. Ang restaurants at bars, limitado rin ang kapasidad upang siguraduhin na ang mga kostumer ay mapapanatili ang distansya ng dalawang metro.

Sinabi ng opisyal na ang plano ang magsasabi kung kailan matatanggal ang physical distancing at capacity limits sa settings kung saan ang proof of vaccination ay required, tulad ng mga lugar ng pagsamba.

Kahit na nagkaroon ng holiday weekend at ang mga estudyante ay bumalik na sa eskwelahan para sa in-peson classes, ang pandemya ay patuloy na umuurong sa Ontario. Ang pitong araw na average ng bagong daily cases ay bumababa mula noong Setyembre 5 at nasa 406, habang ang mga ospital ay nananatiling matatag.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Meagan Fitzpatrick.

Mga Ulo ng Balita