1. Home
  2. Politika
  3. Biyahe

Canada tahimik na tinanggal ang blanket travel advisory kaugnay ng COVID-19

Sinabi ng dating abiso na dapat iwasan ang non-essential travel ng mga biyahero

Isang babae na may mga itinutulak na maleta.

Sa file photo na ito, isang biyahero ang nasa departure area ng Terminal 1 ng Pearson International Airport sa Toronto.

Litrato:  CBC / Sam Nar

RCI

Tahimik na tinanggal ng Canada ang blanket advisory ukol sa non-essential travel sa labas ng bansa na ipinapatupad mula pa noong idineklara ang pandemya noong Marso 2020.

Sa ilalim ng dating patnubay, inabisuhan ng gobyerno ang lahat ng biyahero, kahit ano pa ang vaccination status, na iwasan ang non-essential international travel.

Ang advisories para sa bawat bansa ay naibalik na sa apat na lebel na umiiral na bago pa naganap ang pandemya:

  • Sundin ang normal na pag-iingat sa seguridad.

  • Sundin ang mataas na antas ng pag-iingat.

  • Iwasan ang non-essential travel.

  • Iwasan ang lahat ng pagbibiyahe.

Ang bagong advisories ay matatagpuan sa Travel Advice and Advisory website (bagong window) ng gobyerno. Ang blanket advisory laban sa lahat ng cruise travel ay umiiral pa rin.

Sa isang statement, sinabi ng Public Health Agency of Canada na dapat fully vaccinated ang mga Canadians bago magbiyahe at hinimok ang ang biyahero na sundin ang public health measures sa kanilang destinasyon.

Hinimok din nila ang mga Canadians na sundin ang personal protective measures kapag nasa abroad, tulad ng pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing kung saan posible.

Ang mga Canadians abroad ay dapat manatiling informed sa COVID-19 activity sa kanilang destinasyon sa pamamagitan ng pagkonsulta sa website ng World Health Organization, ayon sa ahensya.

Hindi available ang Global Affairs Canada para magbigay ng komento.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita